Parang nagha-honeymoon… RICHARD AT BARBIE, TODO-ENJOY SA BAKASYON SA LONDON
- BULGAR

- Aug 8
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 8, 2025
Photo: Richard at Barbie / Circulated
Speaking of another Gutierrez, hindi na nga maitatanggi ni Richard Gutierrez ang relasyon nito kay Barbie Imperial.
May mga bagong report na muli silang namataan sa UK, London having good time.
May mga sources na nagsasabing para nga raw mga honeymooners ang dalawa na masaya sa kanilang pagbabakasyon sa naturang lugar.
Matatandaang nag-viral ang kanilang Italy sortie last time nang mag-shoot doon si Chard ng Incognito.
Marahil nga raw ay naging espesyal sa dalawa ang mga romantic places sa London kaya nila ito binalikan.
“Alangan naman na nag-picture at kumain lang sila doon, ‘noh? S’yempre, may mga sarili silang private moments, ‘noh?” ang nagkakaisang reaksiyon ng mga netizens na nagtatanong pa rin ng estado ng divorce or annulment ni Richard at ng dati nitong asawang si Sarah Lahbati na balita rin namang may bagong BF na.
Well…
Lovers sila ni Roderick sa movie…
TONTON: MERON NA KAMING NAGAWA NA KAYA KONG IPAGMALAKI SA MGA ANAK KO
Matagal nang panahon na nagkasama sina tugang Roderick Paulate at Tonton Gutierrez sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK). Nanalo pa nga ng acting award si tugang Dick sa nasabing drama anthology.
This time, sa movie naman masusubukan ang tandem nila via Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI).
Sey ni Tonton, “Hindi ako nagdalawang-isip nang alukin ako para sa movie. I always admire Roderick, I am his fan. Iba s’yang katrabaho at very professional.
“At least now, meron na kaming nagawa na kaya kong ipagmalaki sa mga anak ko o mga magiging apo ko,” seryoso pang sambit ni Tonton.
Lovers sila sa movie kung saan namatay ang karakter ni Tonton at pinamanahan niya si Dick sa kondisyon na maging ‘Mudrasta’ ito ng kanyang dalawang anak (Elmo at Arkin Magalona), kasama na ang pagtira sa bahay at pakikisama sa malditang nanay nitong si Celia Rodriguez.
“Wala rin akong masasabi sa pagiging very generous actor ni Tonton. Sa dami na rin ng mga naging leading men ko, s’ya na siguro ang pinakamasarap katrabaho. Sa ngayon talaga, itong Mudrasta ang matatawag kong favorite film ko sa hanay ng mga Ako si Kiko, Ako si Kikay, Petrang Kabayo, Bala at Lipstick, etc..
“Kaya sana po, ma-enjoy ninyong panoorin sa Aug. 20,” paanyaya pa ni Kuya Dick.
Ay, si Tonton nga rin pala ang first guy na nagbigay sa kanya ng isang ‘surprise kiss’ onscreen (MMK episode) kaya raw masasabi din niyang bininyagan siya nito noong 1999 sa utos ng yumaong si Direk Wenn Deramas.
MAGSISILBING third wheel sa tambalang Bela Padilla at JC Santos ang guwapo at bagets actor na si Kyle Echarri.
Sa balik-movie tandem nina Bela at JC sa 100 Awit Para Kay Stella (100APKS) na sequel ng 100 Tula Para Kay Stella, pumasok ang karakter ni Kyle bilang si Clyde.
“Hanggang ngayon po talaga, nagtatanong ako kung bakit ako ang napili nila. But I can only have good words for Viva for this chance. This is indeed a big thing for me as an actor. To work with Bela and JC is already an honor for me. Sino ba naman ako na basta na lang papasok sa tandem nila?” paliwanag pa ni Kyle na umaming marami ang maiinis sa kanyang role sa movie.
“Lalo na ‘yung mga fans talaga nila since 8 years ago na lumabas ‘yung 100 Tula Para kay Stella, which I promised to watch talaga,” hirit pa ng batang aktor na blessed na blessed ang parehong acting at singing career.
Nang i-segue namin ang tanong na ayon sa aming nakalap, siya talaga ang kinuhang ka-triangle ng dalawa dahil may hatak siya sa Gen Z at Alpha Gen audience, “I can only be grateful po. Sana po talaga ay magustuhan nila ang ginawa ko sa movie at pumasa ako bilang third wheel nila,” susog pa ni Kyle na may bagong kulay ang hair dahil sa bagong project na siya uli ang bida.










Comments