top of page
Search
  • BULGAR

Paraan upang suwertehin sa buhay

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Marso 21, 2024



Dear Maestro, 


Dalawa ang birthday ko at nais kong malaman kung ano ba ang dapat kong gamitin para ako ay suwertehin. Ang una kong birthday ay April 20, 1990, ito ang nakalagay sa birth certificate ko habang April 20, 1995 naman ang ginagamit ko ngayon. 


Ano ba ang mas magandang gamitin? Nais ko ring malaman kung ano ang aking masuwerteng kulay at araw? Papaano rin ako susuwertehin at magtatagumpay sa buhay?

 

Umaasa,

Bianca ng San Roque, Cainta, Rizal

 

Dear Bianca,


Kung ang birthday mong April 20, 1990 ang gagamitin mo, lumalabas na ikaw ay may birth date na 20 or 2, (naging 2 ang 20 dahil 2+0=2) sa destiny number na 7, na nasa pagitan ng zodiac sign ng Aries at Taurus.


Paano nakuha ang destiny number mong 7? Ganito ang pagkompyut ang April 20, 1990 ay 4+20+1990=2014/ 20+14=34/ 3+4=7.


Kung April 20, 1995 naman ang gagamitin mo, lumalabas na ikaw ay may birth date na 20 or 2, sa destiny number na 3, sa zodiac sign na nasa pagitan ng Aries at Taurus.


Paano naman nakuha ang destiny number na 3? Ganito ang kompyutasyon, ang April 20, 1995 ay 4+20+1995=2019/ 20+19=39/ 3+9=12/ 1+2=3.


Ibig sabihin, anumang taon ang gamitin mo, mananatili pa rin ang mga mapalad mong kulay na red, blue at violet, habang ang pinakasuwerte mong buwan ay Mayo at Oktubre, gayundin ang Setyembre at Disyembre, habang hindi naman paborable sa iyo ang kapalaran ang buwan ng Pebrero.


Hinggil naman sa iyong lagda, okey na ‘yan, baguhin mo na lang ang simula, umpisahan mo na lang sa straight line at saka mo buuin ang unang letra na parang “M” at doon mo idugtong ang iba pang letra. Iyong ang dapat mong baguhin, dahil ang sobrang taas na simula ay nangangahulugan na masyado kang nabubuhay sa pangarap at pantasya na malabo mo namang maabot at matupad.


Subalit, kung sa gitnang bahagi ng papel magsisimula at ito ay gagawing tuwid na guhit, tulad ng naipaliwanag na, makakatakas ka sa sobrang mapangaraping buhay hanggang sa unti-unti kang maging praktikal at maipatupad mo ang suwabeng-suwabe at mahusay na ambisyon sa buhay. 


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, ang significant at favorable years mo naman ay magaganap ngayong 2024.  Ang pinakamapalad mo namang dapat maging kapareha sa buhay upang ika’y palarin at suwertehin sa anumang uri ng “partnership” ay silang isinilang sa buwan ng Enero, Mayo, Hulyo, Setyembre, Oktubre at Nobyembre. Sa partikular silang isinilang noong January 8, 17, 26, 5, 14, 23, 9, 18 at 27, silang isinilang noong May 1, 10, 19, 28, 5, 14, at 23, silang isinilang noong July 7, 16, 25, silang isinilang noong Setyembre 7, 14,16, 25, 5, 14, 23, silang isinilang noong Oktubre 6, 15, 24 at silang isinilang noong Nobyembre 2,11, 20 at 29. 


Kapag nakatagpo ka ng ganyang uri ng kapareha sa business o sa mismong buhay mo, tiyak ang magaganap tuluy-tuloy ka ng susuwertehin at tulad ng naipaliwanag na magsisimula ang iyong magandang kapalaran sa taong ito mismo ng 2024, hanggang sa susunod na taong 2025 at sa taon 2026.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page