Paraan para muling makapag-practice ng suspendidong propesyon
- BULGAR

- Jul 8, 2020
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 8, 2020
Dear Chief Acosta,
Isa akong registered interior designer at limang taon na ang nakalipas mula nang huling pagbayad ko ng aking annual registration fee. May nakapagsabi sa akin na maaari na diumano akong masuspinde sa aking propesyon dahil dito. Tama ba ito? – Uma
Dear Uma,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 24 ng Republic Act (R.A.) No. 10350 o mas kilala bilang Philippine Interior Design Act of 2012, na kung saan ay nakasaad ang sumusunod:
“Section 24. Nonpayment of the Annual Registration Fees. –The Board shall suspend a registered interior designer from the practice of his/her profession for nonpayment of the annual registration fees for five (5) consecutive years from his/her last or previous year of payment. The resumption of his/her practice shall take place only upon payment of the delinquent fees plus surcharges and interest and in accordance with the rules of the Commission. The running of the five (5)-year period may be interrupted upon written notice of the discontinuance of his/her practice and surrender of his/her certificate of registration and professional identification Card to the Board and/or the Commission.”Malinaw na isinasaad ng batas na isususpinde ng Professional Regulatory Board of Interior Design ang registered interior designer na hindi nakapagbayad ng kanyang annual registration fee ng limang (5) magkakasunod na mga taon mula nang kanyang huling pagbayad nito. Maaari lamang siyang magpatuloy sa kanyang propesyon matapos ang pagbabayad ng delinquent fees, surcharges at interest sang-ayon sa alituntunin ng Professional Regulatory Commission (PRC). Sa inyong sitwasyon, maaari kayong masuspinde ng Professional Regulatory Board of Interior Design sa inyong propesyon sapagkat hindi kayo nakabayad ng annual registration fee ng limang (5) magkakasunod na mga taon mula nang huling pagbayad nito. Kung masuspinde kayo dahil dito, maaari lamang kayo magpatuloy sa inyong propesyon matapos ang pagbayad ng delinquent fees, surcharges at interest sang-ayon sa alituntunin ng PRC.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga salaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi naming dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments