Para sa binyag… MARKUS AT JANELLA, UUWI NA NG 'PINAS

ni Nitz Miralles - @Bida | February 4, 2021

Sa Manila pala gagawin ang binyag ni Baby Jude, ang baby boy nina Markus Paterson at Janella Salvador. Mangyayari ito kapag nakabalik na ng bansa ang dalawa at makakabalik lang sila kapag lumuwag na ang restrictions sa lockdown.
Nabanggit ni Markus na malapit na silang bumalik sa Pilipinas kasama si Baby Jude. In-announce ito ni Markus sa Kapamilya Confessions stream kung saan ipino-promote nina Markus, JC Alcantara, Gillian Villavicencio at Miguel Almendras ang pelikulang Hello, Stranger: The Movie.
Sa tanong ng isang netizen kung nasa Pilipinas na sila, sagot ni Markus, “No, nasa UK pa kami pero malapit na kaming umuwi. Malapit na malapit na.”
In an earlier post, sabi ni Markus, “Gusto na naming umuwi” na sinundan ni Janella ng “Pls.”
Kasamang uuwi nina Markus at Janella ang mom ng aktres na si Jenine Desiderio at ang brother ni Janella na si Rusell na kasama niyang nag-travel sa UK para mabantayan siya sa kanyang panganganak.





Comments