Para patunayang 'di sila break… MAINE, IPINOST ANG BAKASYON NILA NI ARJO SA REST HOUSE NG BF
- BULGAR

- Sep 20, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 20, 2020

Pinatunayan nina Arjo Atayde at Maine Mendoza na strong pa rin ang relasyon nila. May isyu kasing naglalabasan na kesyo hiwalay na ang dalawa.
Lalo pang uminit ang isyu nang magsalita ang kapatid ni Arjo na si Ria na na-friendzone umano ni Maine ang brother niya.
Kamakailan, may post si Maine sa kanyang social media account na nag-out of town trip silang magkakapatid kasama ang boyfriend na si Arjo. Patunay lang ito na walang katotohanang break na ang ArMaine.
Sa rest house sa Nasugbu, Batangas ng Atayde Family nakarating ang grupo ni Maine with Arjo. Sa Instagram fan page naka-post ang lahat ng kuhang larawan ng ArMaine.
Ang mga ibinahaging larawan ay may caption na: "With her siblings and bubby! 09-13-2020."





Comments