Para iwas tensiyon at hindi mataranta sa biglaang sitwasyon
- BULGAR

- Sep 1, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 1, 2020

Mabigat o magaan man ang problema ay hindi dapat mag-panic ang mga tao. Simple lang naman na katugunan ang mga katapat ng mga sitwasyong iyan.
1. MAGSISIMULA KA ULING MAKAPAGTRABAHO! "Siyempre, excited ka nang makapagtrabaho uli, o kaya naman ay bago kang trabaho, sa unang araw na iyong ipapasok, dapat paghandaan na mabuti," ani Thun Sindel, Ph.D., may-akda ng Sink or Swim-New Job. New Boss. 12 Weeks to Get it Right.
Upang mas maging maganda ang resulta at maging positibo ka sa iyong mga gagawin ay agahan mo ang pagpasok. Kung may sasakyan ka ay agahan mo rin ang pag-parke para hindi maunahan ng iba at maluwag pa ang puwesto ng paggagarahihan mo ng sasakyan.
"Ang pinakamasamang mangyayari kasi sa unang araw na iyan ay ang mahuli ka nang pasok," ani Sindel. "Hindi lamang ito makalilikha ng masamang impresyon, subalit higit lamang na masisira ang iyong araw."
At least, kung maaga ka man ay hindi mawawala ang iyong excitement, siguradong hahangaan ka pa ng iyong boss at ng mga kasama sa trabaho.
Alam mo ba na ayon sa pag-aaral, ang mga taong nakapaglalakad nang kahit 5 minuto sa umaga ay 10-20 porsiyento na mas mabilis ay higit na energetic o masigla?
2. KUNG LILIPAT SA BAGONG BAHAY. Nakagugulat. "Mas mabilis kang makuntento sa naturang bagong bahay kung matutulog ka muna sa isang hotel sa unang gabi," ani Kathy Capode.
Makadarama ka kasi ng kaginhawahan at agad kang makakatulog sa bagong bahay sa susunod na araw.At pagkaraan pa nito ay mapapahaba pa ang iyong pahinga kapag medyo naging komportable na ang iyong pakiramdam sa nakaayos nang kabuuang bahay.
Kasunod nito ay saka ka lamang pumunta sa isang hardware store. Itanong mo ang mga dapat malaman kung paano maghalo ng pintura at kung paano magpintura, tanungin din ang mga tubero at handyman kung paano mag-ayos ng mga bagay-bagay sa loob ng bago mong bahay.
3. KAPAG TUMUNOG ANG CELLPHONE HABANG NAGMAMANEHO. Agad na iparada ang sasakyan sa isang tabi. "Magiging mas ligtas ka o hindi mababangga at magagasgasan ang sasakyan kung ipaparada pasumandali kung nais na mag-text o sumagot sa tawag," ani traffic, safety expert Bob Barton ng Fairfax County Police sa Virginia. At ang isang saglit na pagkuha ng larawang gamit ang cellphone o kaya ay action camera na dapat may nakakabit ka nito sa iyong dashboard ay may patunay ka na ang iyong behikulo ay nakaparada nang maayos at hindi ka gumagalaw habang may kausap sa telepono.
4. SAKALING MAGDIDIYETA. Bawasan ang laman ng iyong plato tuwing ikaw ay kakain. Noong araw sa panahon ni lola, mas maliit pa ang kanilang platong ginagamit kaysa ngayon.
At ang maliit na serving ay siyang dahilan kung bakit ang kanilang mga baywang noon ay napakaliliit. "Okey lamang na punuin ang plato kahit na maliit ito dahil tiyak na konti pa rin naman ang iyong kinakain," ani Becky Hand Ph.D. ng sparkpeople.com.
Alam n'yo ba na ang sikreto ng natural na slim na katawan, ayon sa bagong pag-aral ay kumokonsumo lamang ng pangkaraniwang 12g ng fiber sa isang araw -33 porsiyento nang higit pa sa ibang hindi nagagawa ito?
5. KAPAG NATAPUNAN NG BARNIS ANG CARPET. Sa pag-aaral ni Andrew L. Waterhouse, Ph.D., ng University of California, natuklasan niya na kapag natapunan ng barnis ang iyong carpet, ang mainam na pantanggal dito ay pinagsamang hydrogen peroxide at sabon, dishwashing liquid para sa damit, carpet cleaner para sa carpet.
"I-spray lamang, buhusan at dampian ng mixture nito ang naturang mantsa," aniya. Ang mahalaga, ang peroxide ay isang bleaching agent na nagpapatingkad sa kulay ng iyong tela. Upang masuri ito ay subukan muna sa isang parte ng carpet ago gamitin ang naturang resipe.
6. KAPAG NANALO SA LOTTO. Araw-araw ay milyun-milyon ang ipinamimigay na premyo sa lotto. Kung malaki ang iyong mapanalunan, una'y i-xerox ang kopya ng winning ticket, payo ni finance officer Alisa Lesuer sa lotto winners.
Ilagay ang orihinal na tiket sa isang safety deposit box at ito ay isarang mabuti sa loob ng 48 oras. "Ilang oras lang ay baguhin mo ang iyong phone number at makipagkita sa isang financial planner."
Pagkatapos ay magpa-manicure at mag-ayos ka ng iyong buhok. At least, maganda ka pagharap sa camera sakaling mainterbyu sa PCSO.
7. SAKALING MAY MAKILALA KANG BAGONG KAIBIGAN. Nakagugulat pero totoo. Gumawa ng pangmatagalang impresyon sa bawat isa sa unang dalawang segundo.
Mas mahalaga ang mga segundo na ito kung bibigyan mo ang tao ng pagkatamis-tamis na ngiti. Sa halip na pag-ukulan siya ng madaliang pagbati, maghintay hanggang ikaw ay ipakilala at saka mo siya ngitian, bawal pa ang makipagkamay ngayon. Ang pagngiti at pagbati ay hindi lamang para sa lahat, para na rin sa iyo at nang ikaw ay tunay na magustuhan. Panaka-nakang sulyapan ang bagong kaibigan, dahil ito'y nangangahulugan ng pagtanggap mo sa kanya.








Comments