Search
  • BULGAR

Para iwas-gulo at pamumulitika, PNP-PDEA shootout, hayaan sa NBI

@Editorial | February 28, 2021


Humirit na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso at iba pang ahensiya na gustong mag-imbestiga sa naganap na ‘misencounter’ sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City, na hayaan na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang gumawa nito.


Agad namang tumugon ang Kamara at sinabing pansamantalang sususpendihin ang imbestigasyon na nakatakda sana ang pagdinig sa Marso 1.


Kapansin-pansin kasi na tuwing may kontrobersiyang nangyayari, kaliwa’t kanan ang ginagawang imbestigasyon. Nauunawaan naman natin ‘pag sinasabing layon nilang makita ang iba’t ibang anggulo ng kaso o para makabuo ng panukalang batas mula sa insidente na magpapabuti sa bansa.


Ang problema, hindi rin maiwasan na tila nauuwi sa pamumulitika at pag-epal sa tuwing may patawag partikular sa Kongreso. Naliligaw ang isyu dahil natutuon na sa banggaan ng mga magkakalaban sa pulitika. Sa halip na masuring mabuti ang bawat anggulo ay naging magulo lang at ang masaklap, gumagastos lang ang gobyerno.


Kaya tama lang na isang ahensiya na ang humawak, ‘yung walang bahid ng anumang kalokohan.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.