Search
  • BULGAR

Para 'di raw maging happy si No. 2… SUNSHINE: PAMILYA IPAGLABAN, 'WAG MAGPATALO SA KABIT!

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 17, 2021




Aminado si Sunshine Dizon na talagang nagkaroon din siya ng anxiety because of the COVID-19 pandemic. Aniya nang makatsikahan ng ilang entertainment press sa Zoom conference para sa pagbabalik sa ere ng teleseryeng Magkaagaw, natakot siya para sa kanyang mga anak.


“To be honest, nagkaroon ako ng anxiety. I remember one time I was driving and I felt like my throat was closing up, thinking of what will happen to my kids.


“It’s really more of a parang motherly anxiety na it’s always the kids, eh, 'di ba? Na how are they going to cope up with the new normal, with their online classes, what will happen to us, because all of a sudden you’re not working and you’re so used to that,” sey ni Shine.


Kaya naman talagang nagdasal na lang daw siya, “Maraming-maraming dasal,” aniya.


Natatawa niya pang sabi, isang nakatulong sa kanya nang malaki para maka-cope up ay ang panonood ng mga Korean dramas.


“'Yun ang naging happiness ko nu'ng walang work,” she said laughing.


“And I also tried to learn a lot of things. I read a lot of books about directing, about screenwriting, so ni-refocus ko lang ‘yung attention ko kasi nga, walang trabaho, 'di ba? So, maghahanap ka lang talaga ng mga bagay para maiba ang pananaw mo,” dagdag niya.


When asked kung anu-ano ang favorite K-dramas niya, natatawa niyang sabi, “Lahat ng Lee Min Ho.”


Super-fan daw siya ng nasabing sikat na Korean actor at boyfriend ang tawag niya rito.

Kung magkakaroon ng remake sa Pilipinas ang mga K-dramas, gusto raw niyang gawin ang Sky Castle na matatandaang ipinalabas sa GMA-7 at isa pa siya sa mga nag-dub nito sa Tagalog.


Kung iri-remake raw ito ay 'yung karakter pa rin ni Kim Seo Hyung na siyang isinaboses niya ang gusto pa rin niyang gampanan.


Samantala, last December ay sumabak na nga sa locked-in taping ang buong cast ng Magkaagaw para sa mga bagong episodes. Nang matanong ang cast kung ano ang lesson na gustong ituro ng kanilang karakter pagdating sa pakikipagrelasyon, may hugot ang sagot ni Shine.


“Siguro, family is very important. Hangga’t puwede mo pang ilaban para mabuo ‘yung pamilya mo, kailangan mong ilaban ‘yun at huwag magpapatalo sa mga kabit,” saad ni Sunshine.


Natawa si Dion Ignacio at sabi ni Shine, “Bakit ka natatawa, Dion? Totoo naman, 'di ba? Hindi ka puwedeng magpatalo sa kanila kasi matutuwa sila!”


Simula sa Lunes, Jan. 18, ay mapapanood nang muli ang Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime. Bukod kina Sunshine at Dion, kasama rin sa cast sina Sheryl Cruz, Jeric Gonzales, Klea Pineda, Polo Ravales at marami pang iba, mula sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr..

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.