Para 'di maulit at maging mas mabuting tao.. Tips para magbago pagkatapos makulong
- BULGAR

- Sep 7, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 7, 2020

Habang nagsisilbi sa piitan ang isang bilanggo, dito na ang tamang panahon at oras para mamuni-muni niya ang mga susunod niyang layunin sa buhay at mga mangyayari pa para sa kanyang kinabukasan.
May sitwasyon na ang isang bilanggo ay habambuhay nang nakapiit, gayunman, ang personal na paglago ay posible sakaling matutunan niya nang husto ang pagbabago mula sa mga masasakit na karanasan.
Kaya kapag naging diretso ka sa ugali at buhay sa sandaling makalaya na, dito mo na ilalabas ngayon ang determinasyon at hangarin na gumawa ng mabuti at harapin ang paglimot sa nakaraang mga bangungot sa buhay.
1. Tanggapin ang buhay at tanggapin ang responsibilidad sa ginawa mong aksiyon. Unawain na magagawa mong mahusay ang buhay sa pagtanggap sa mga nagawang kamalian at matuto ng mga pagkakamali. Tanggapin na ang temtasyon o tukso ng masasamang gawi ay lagi lang nasa paligid, manatiling pokus sa pagbabagong-buhay para sa mas magandang kinabukasan. Mahalagang maisip na ang buhay ng dating bilanggo ay kailangan ng ibayong adjustments at matagal-tagal din ang panahon na magpakabuti sa bagong buhay.
2. Manatiling laging may contact sa iyong probation o parole officer, lagi kang magre-report sa kanila kapag sinasabi. Maging bukas at tapat na makikipag-usap sa kanila at humingi ng payo.
3. Humanap ng tagapayo o taong siyang mapagsasabihan mo ng iyong emosyon at damdamin kabilang na ang espiritwal na taong tutulong sa iyo. Magtanong sa mga kaibigan, kaanak o kapamilya at iba pang serbisyo sa lipunan na mga organisasyon na makatutulong. Mag-enroll sa support groups at magpatuloy na mag-aral sa kursong dating gustung-gusto para sa panibagong pagpasok sa buhay ng mga normal at matitinong lipunan makaraang makalaya na. Dumalo sa mga pulong at magbigay atensiyon sa mga sesyon. Magsulat at huwag matakot na magtanong sa mga mahuhusay na tagapayo at edukasyon para sa dagdag na suporta at gabay.
4. Isulat ang lahat ng uri ng nadarama sa ngayon. Isulat ang mga temtasyon at sitwasyon kung saan na dama mong parang muling gustong magbalik ang dati mong masamang ugali. Isama ang mga detalye para malaman kung ano ang nag-uudyok sa’yo para sa muling paggawa ng masama o maakit na magpakasama na muli.
5. Kumuha ng full-time job o mag-enroll sa isang klase para manatili kang busy. Iwasan ang pagpunta sa mga lugar kung saan ka muling maaaring lumabag sa batas.
Huwag nang kontakin ang mga taong dating nakilala na umimpluwensiya sa’yo ng masamang ugali at nadamay ka sa krimen kaya ka nakulong. Humanap ng bagong mga kaibigan at iba pang grupo na alam mong ganap kang makapagbabago. Unawain na may ilang tao na mas makabubuti sa iyo sa pagtahak o tungo sa pagbabagong buhay.
6. Alamin na katanggap-tanggap ito at nauunawaan naman ang paghingi ng tulong sa anumang oras. Huwag matakot na humanap ng gabay at suporta kung sadya talagang kailangan mo. Manatiling pokus sa pagkakaroon ng mas mainam na buhay.
Huwag nang magsinungaling sa anumang katotohanan hinggil sa panahon ng pagkakakulong sa sandaling naghahanap ng trabaho.








Comments