Papuntang kulungan... Mobile sumalpok sa pader, 5 suspek patay, 4 pulis sugatan
- BULGAR

- Apr 25
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | April 25, 2026

Nasawi ang limang persons under police custody matapos bumangga sa pader ang sinasakyan nilang police mobile sa bahagi ng Payatas Road corner Group 5 sa Brgy. Payatas B, Quezon City, kahapon ng umaga.
Kinumpirma ng attending physician ng Rosario Maclang Bautista General Hospital ang pagkamatay ng mga biktima, kung saan sila unang dinala matapos ang insidente.
Napag-alaman sa ulat na bukod sa bilang ng mga nasawi, apat na pulis ang nasugatan at dinala sa magkahiwalay na pagamutan—ang PNP General Hospital at Veterans Memorial Medical Center.
Samantala, nananatiling kritikal ang isang Police Officer Under Cadetship (PUPC) at kasalukuyang inoobserbahan sa operating room bunsod ng tinamong mga sugat sa katawan.
Ayon kay Jennifer Ganaban, Chief ng Public Information Office (PIO) ng Quezon City Police DISTRICT (QCPD), naganap ang insidente pasado alas-11 ng umaga kung saan lulan ang mga biktima sa isang Toyota Hilux pickup ng QCPD.
Patungo sana sa BJMP facility ang police mobile upang ihatid ang mga PUPC nang bigla umanong nawalan ito ng preno dahilan upang sumalpok sa pader.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.





Comments