PAOLO, MAS TANGGAP NG NETIZEN NA 'MANYAK' KESA TV HOST
- BULGAR

- Jun 7, 2023
- 1 min read
ni Maricon Nolasco @Special Article | June 7, 2023

Matapos malaman at mapanood ng mga viewers na isa nga ang aktor na si Paolo Contis sa mga bagong hosts ng Eat... Bulaga! ay hindi naging maganda ang pagtanggap nila sa balitang ito.
Umani ng samu't saring komento na pawang negatibo si Paolo mula sa mga netizens sa iba't ibang social media platforms.
Ang comment ng netizen na mas gusto pa niyang napapanood sa 'di kaaya-ayang karakter si Paolo, "Mas nagagalingan pa ako kapag pangmamanyak ang role ni Paolo, eh."
Sey pa ng isang netizen, "'Ika nga ng lolo ko, 'AYOKONG MANOOD NG EAT... BULAGA!. ANG
PANGIT NI PAOLO CONTIS,' at agree naman ako r'yan."
Para sa isang commenter, sana ay mas inuna muna ni Paolo na pasayahin at bigyan ng sustento ang kanyang mga anak, "Huwag kami, Paolo. You are there because you need work. Kung gusto mo na magpasaya ng mga tao, sana ay pinasaya mo muna ang mga anak mo. Hindi ka nga nagbibigay ng sustento. Tsk!"
Hirit pa ng isang commenter, hindi raw bina-bash si Paolo dahil sa show kundi sa pagiging iresponsable nitong ama, "Hindi ka bina-bash dahil sa show, bina-bash ka kasi IRESPONSABLE KANG AMA! PATI MGA ANAK MO, GALIT NA GALIT SA 'YO! SUWERTE KA PA AT MAY KUMUKUHA PA SA ‘YO! ‘PAG NAUMPOG ANG MGA ‘YAN, SA KANGKUNGAN ANG LABAS MO!”
Habang ang isa naman ay tinawag na cheap ang programa, “Naging CHEAP BULAGA na sila! Sana lang ay umabot pa kayo kahit isang buwan lang. Hahahaha!”
Huwaaaaw! Kinaya n’yo ba ang mga maaanghang na salita mula sa mga netizens, mga Ka-BULGAR! Grabe sa harsh, ah!





Comments