Pao Chief Acosta, sure na maraming magagawang batas ‘pag naging senador
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | January 5, 2024
ANG ABOGADONG SI ATTY. PERSIDA ACOSTA NA MAY PUSO SA MAHIRAP AT WALANG TAKOT SA MGA MAIMPLUWENSYANG PULITIKO AT GOV’T. OFFICIALS ANG DAPAT MAGING SENADOR -- Sa latest survey ng SWS ay pasok sa top 12 na mga senatoriables si Atty. Persida Acosta, chief ng Public Attorney’s Office (PAO).
Sa totoo lang, ang tulad ni PAO Chief Acosta na isang abogado, may paninindigan, may puso sa mahihirap at walang takot na nagsasampa ng kaso sa mga maiimpluwensyang pulitiko at gov’t. officials ang dapat maging senador dahil sa uri ng kanyang pagkatao ay marami itong magagawang batas para sa kapakanan ng ating bayan at mamamayan, period!
◘◘◘
SA SENATORIAL ELECTION, SURE WIN SI PAO CHIEF ACOSTA, NAGDEDELIKADO NAMANG MALAGLAG SI SEN. PIA CAYETANO -- Kung si PAO Chief Persida Acosta ay rank 9 sa SWS senatorial survey, sa survey naman ng Publicus Asia ay nagdedelikado si re-electionist Sen. Pia Cayetano dahil rank 12 lang siya.
Ang nais nating ipunto rito, sure win na sa 2025 senatorial election si PAO Chief Acosta kung pagbabasehan ang survey ng SWS, at sa kabilang banda, dahil rank 12 lang si Sen. Pia sa survey ng Publicus Asia ay tagilid siya at nagdedelikado ring malaglag sa top 12, boom!
◘◘◘
KAPAG P50 NA ANG PASAHE SA E-JEEP, DAGDAG-PAHIRAP ‘YAN SA MAMAMAYAN -- Ayon sa mga transport group, kapag tuluyan nang ipinairal ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng Marcos administration, ay maaari raw umabot sa P50 ang pamasahe, at kaya raw ganito kalaki ay para raw hindi mahirapan ang mga operator sa pagbabayad ng monthly hulog sa mga bago nilang electric jeep.
Kapag nangyari ‘yan, ibig sabihin, hindi lang pala sa mga tsuper at operator pahirap ‘yang PUV modernization program, kundi pati sa mamamayan, period!
◘◘◘
SA PANAHON NI P-BBM LALONG NABAON SA UTANG ANG ‘PINAS -- Pumalo na sa higit P14.51 trillion ang utang ng Pilipinas sa mga financial institution sa mundo.
Siguro, kamot-ulo ang mga Marcos loyalist na naniwala sa mga fake news noon ng mga Marcos vloggers na kapag si BBM (Bongbong Marcos) daw ang nanalong presidente, dahil sa rami ng Tallano gold umano ng pamilya Marcos ay babayaran na nito ang lahat ng utang ng Pilipinas, ‘yun pala, nang maging ganap na presidente na si P-BBM, ay mas lalong mababaon sa utang ang ‘Pinas, boom!





Comments