PAO Chief Acosta, kinilala sa aklat na ‘The Extraordinary 85 Women’

by BRT @News | November 12, 2026

Photo: PAO Chief Persida Acosta sa The Extraordinary 85 Women - QC Public Library
Kinilala ng Quezon City Public Library (QCPL) si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Dr. Persida V. Rueda-Acosta sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng aklat na “The Extraordinary 85 Women,” na nagbibigay-pugay sa mga kababaihang naghatid ng karangalan at inspirasyon sa Quezon City.
Ayon sa QCPL, kabilang sa mga kinikilalang ambag ni Acosta ang kanyang serbisyo publiko at legal na adbokasiya, partikular ang pagtulong sa mga umano’y biktima ng kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine, mga na-stranded na overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia, at mga biktima ng laglag-bala o tanim-bala scheme.
Kabilang din sa kanyang mga karanasan ang pagiging Senior Executive Fellow ng Harvard Kennedy School at Senior Fellow ng Asian Public Intellectuals at Salzburg Global Seminar.
Binigyang-diin ng QCPL na nagsisilbing inspirasyon ang kanyang paglilingkod sa mga kababaihang patuloy na nag-aambag sa lipunan.





Comments