top of page
Search
BULGAR

Panunumpa ng Bagong Pilipinas, required sa flag ceremony

ni Eli San Miguel @News | June 9, 2024



File photo

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng pambansang pamahalaan, mga pag-aaring kumpanya ng estado, at mga pampublikong paaralan at unibersidad na isama ang awit at panunumpa ng Bagong Pilipinas sa kanilang lingguhang flag ceremony.


Batay sa Memorandum Circular No. 52 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hunyo 4, ginawa ang utos upang patuloy na itanim ang mga prinsipyo ng pamamahala at pamumuno ng Bagong Pilipinas sa mga Pilipino “Bagong Pilipinas, which is characterized by a principled, accountable and dependable government, reinforced by unified institutions of society, is envisioned to empower Filipinos to support and participate in all government efforts in an all-inclusive plan towards deep and fundamental social and economic transformation in all sectors of society and government,” saad pa sa circular.



Ayon sa Republic Act No. 8491 o ang "Flag and Heraldic Code of the Philippines," dapat maganap ang flag ceremony tuwing Lunes at Biyernes. Noong Hulyo 2023, inilunsad ng administrasyong Marcos ang kampanyang Bagong Pilipinas para sa kumprehensibong transpormasyon sa ekonomiya at lipunan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page