top of page

"Maunlad, matatag at malusog na Pasig, kasama si Ate Sarah”... Pagbabago na may direksyon, planado at sigurado para sa lahat ng Pasigueño

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Chit Luna @News | May 8, 2025




Isinusulong ni Ate Sarah Discaya, mayoral candidate, ang isang pagbabagong may malinaw na direksyon at konkretong plano para sa Pasig.


Batay sa kanyang sariling karanasan ng hirap at sakripisyo, naniniwala si Ate Sarah na ang pagkakataon na magserbisyo sa mga tao ay isang responsibilidad na hindi dapat balewalain.


May tatlong uri ng pagtulong na hindi magbabago para kay Ate Sarah dito sa Pasig—pagtulong na hindi lamang panandalian, kundi may layuning pangmatagalan.

Sa kanyang plataporma, tinututukan ni Ate Sarah ang mga pangunahing sektor ng kalusugan, edukasyon, at imprastruktura:


CHILD’S HOPE GENERAL HOSPITAL: Pagpapalawak ng Serbisyong Medikal para sa mamamayan.



Isinusulong ni Ate Sarah ang pagpapalawak ng Child’s Hope General Hospital upang matugunan ang patuloy na kakulangan ng mga pasilidad pangkalusugan sa Pasig.

Kabilang sa mga plano ang pagdagdag ng hospital rooms, emergency care na hindi nangangailangan ng bayad, at mga serbisyong may malasakit tulad ng maternity at pediatric care.


“Ang kalusugan ay hindi dapat ipinaglalaban—ito ay karapatang dapat ibinibigay.”

Sa kanyang pamumuno, magiging mas mabilis, tapat, at may malasakit ang ospital para sa bawat Pasigueño.


11-STOREY UNIVERSITY: Isang hakbang tungo sa makatarungang edukasyon.

Isang makasaysayang hakbang ang isasakatuparan sa pamumuno ni Ate Sarah: ang pagtatayo ng isang 11-palapag na pampublikong unibersidad sa C. Raymundo Avenue.


Layunin nitong magbigay ng pantay-pantay na pagkakataon para sa bawat kabataang Pasigueño na magpatuloy sa pag-aaral, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay.

Ang modernong pasilidad ay magkakaroon ng digital-ready classrooms, laboratories, at mga training hubs upang matugunan ang pang-akademikong pangangailangan ng mga estudyante.


“Ang edukasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo."

Kaya’t sisiguraduhin niyang magiging accessible ito sa lahat ng kabataan sa Pasig.


PLAZA BONIFACIO: Mula sa hintayan tungo sa makabagong transport hub.

Sa ilalim ng pamumuno ni Ate Sarah, ang dating Plaza Bonifacio, na kilala bilang isang simpleng hintayan ng mga vendor at commuters, ay isasailalim sa modernisasyon upang maging isang makabagong General Transport Hub.


Ang bagong plaza ay magkakaroon ng ligtas na terminal, komportableng waiting areas, at espasyo para sa maliliit na negosyo—isang proyekto na hindi lamang nakatuon sa imprastruktura kundi pati na rin sa malasakit at pagkakaisa para sa bawat Pasigueño.


Ang mga proyektong ito ay konkretong hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng bawat Pasigueño.


Sa pamamagitan ng makatarungan at inklusibong pamamahala, layunin ni Ate Sarah na siguruhing walang Pasigueño ang maiiwan, anuman ang kanilang kalagayan o pinagmulan, at lahat ay magkakaroon ng pantay-pantay na oportunidad upang magtagumpay at umunlad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page