top of page
Search
  • BULGAR

Paniwala ni Herbosa.. COVID-19 sa ‘Pinas, nakontrol na

ni Lolet Abania | November 24, 2021



Naniniwala ang isang opisyal ng National Task Force Against COVID-19 na maaari nang i-label ang bansa sa ngayon na nakokontrol na ang coronavirus.


Sa Laging Handa briefing ngayong Miyerkules, nasabi ito ni NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa dahil ang Pilipinas ay nakapag-record na ng positivity rate ng tinatayang mas mababa sa 5% sa loob ng halos dalawang linggo.


“I think medyo magdadalawang linggo na ata tayong below 5%. So, I think we can be labeled as controlled kasi walang masyadong new cases ng COVID,” paliwanag ni Herbosa.


Nitong Martes, nakapagtala ang bansa ng positivity rate ng 2.3%, kung saan nakamit ang tinatawag na benchmark ng World Health Organization (WHO) na 5%, pati na rin ang Center for Disease Control and Prevention (CDCP) na 3%. Nai-report din na may 1,153 bagong impeksyon lamang, kaya umabot na sa kabuuang 2,827,820 ang COVID-19 cases.


Gayunman, giit ni Herbosa na hindi ibig sabihin nito na ang COVID-19 ay eliminated o nawala na sa bansa. “Puwede pa din siya mag-resurge dahil nandoon pa rin sa test positivity rate na above 0. Pag nag-zero ‘yan ‘yun ang eliminated,” sabi pa ni Herbosa.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page