top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Panibagong ‘raket’ sa NAIA, buking?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2020
1 min read

@Editorial | October 28, 2020



Kasabay ng nagpapatuloy na isyu sa pagitan ng Philippine Red Cross at PhilHealth kaugnay ng swab test, ito rin ang usapin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Ayon sa ulat, may nagaganap umano sa paliparan na pag-aalok ng swab test sa mga dumarating na overseas Filipino workers (OFWs) at turista. Kung saan, naniningil umano ng P3,500 sa mga OFWs at P4,000 naman sa mga turista, depende sa itatagal nila sa quarantine facility.


Hinihikayat umano silang gumamit ng private laboratories para mabawasan ang kanilang oras na maghintay sa mga quarantine hotels.


Agad namang nilinaw ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mananatiling libre ang swab test sa mga OFWs.


Kasunod nito, pinasinungalingan naman ng One-Stop-Shop (OSS) sa NAIA ang mga alegasyon na pinipilit ang mga umuuwing OFWs na kuhain ang serbisyo ng private RT-PCR test providers sa paliparan at magbayad ng malaki. Anila, ang pamahalaan ang sumasagot sa RT-PCR test ng OFWs, kaya wala silang dapat ilabas na pera. Para naman sa hindi OFW, mayroon umanong dalawang private laboratory na nagsasagawa ng RT-PCR test.


Gayunman, hinihikayat pa rin ng OSS ang mga OFWs na magsumbong kung nasasangkot sa ganitong pamimilit.


Masyado nang maraming kontrobersiya sa bansa na hanggang ngayong ay hindi matapus-tapos. Huwag na sana nating dagdagan.


Walang ibang kailangan ngayon ang bansa kundi ang pagtutulungan na mapigilan ang pagkalat ng virus at makabangon mula sa kahirapan na mas pinatindi ng virus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page