top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Panibagong budget kontra COVID-19, oks! ‘Wag lang ma-magic!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2020
1 min read

@Editorial | December 1, 2020



Unang araw ng Disyembre ngayon, konting-konti na lang at patawid na tayo sa taong 2021.


Umaasa tayong sa susunod na taon ay unti-unti na tayong makakabawi mula sa pandemya.


Kaugnay nito, tiwala rin ang ilang opisyal ng gobyerno na may mapagkukuhanan pa ng pondo para sa isinusulong na Bayanihan 3, kaugnay sa patuloy na paglaban ng bansa kontra COVID-19.


Napag-alamang may natitira pang 2020 budget.


Hindi pa rin umano nauubos ang pondo mula sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2), habang ang dagdag-budget naman ay posibleng utangin sa ibang bansa.


Matatandaang, layon ng panukalang Bayanihan 3 na palawigin pa ang Bayanihan 2 dahil hanggang Disyembre 19 lang ang effectivity nito. Maglalaan ulit ng pondo para sa karagdagang emergency response sa pandemic. Sakop din umano rito ang pagbibigay ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho at pag-abot ng tulong sa maliliit na negosyo.


Sa ilalim ng Bayanihan 2, binibigyang pahintulot ang executive branch ng gobyerno na gumastos ng hanggang P165 bilyon kaugnay sa mga proyektong may kinalaman sa COVID-19. At dahil hindi pa ubos ang budget para sa Bayanihan 2, kailangan pa itong ipagpatuloy.


Ito ang lagi nating sinasabi, kung may pondo, gamitin at siyempre, huwag nakawin!

Mahaba-haba pa ang laban sa pandemya na sinabayan pa ng kalamidad, talagang kailangan ng malaki-laking budget para muli makabangon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page