Panibagong banat ng China, para sa U.S., 'di sa 'Pinas — Marcos

ni Mylene Alfonso | May 6, 2023

Hindi ikinabahala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pinakabagong pahayag ng China na matinding pagtutol sa anumang pakikialam sa isyu ng South China Sea kasunod ng pagpapalabas ng bilateral defense guidelines sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na layuning gawing moderno ang kooperasyon ng alyansa ng dalawang bansa.
Ayon kay Marcos, ang naturang pahayag ay tila nakadirekta aniya sa Estados Unidos.
"Well, I do not think as representing as a Filipino and representing the Philippines, I don’t feel alluded to. How can we -- how can anyone say that we are not party and interest in all of these issues?” pahayag ni Marcos sa mga mamamahayag.
“So, I think that kind of statement was directed more towards the United States than it was for the Philippines,” sabi pa ng Pangulo.
"Kaya't 'yang statement na 'yan sa palagay ko hindi naka-direct sa Pilipinas," dagdag ng Pangulo.
Itinatag ng Pilipinas at US ang bilateral defense guidelines sa pagitan ng dalawang bansa para gawing moderno ang kooperasyon ng alyansa "para sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific na rehiyon".





Comments