Pangatlo na… ANDI, BUNTIS NA NAMAN!
- BULGAR

- Sep 1, 2020
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 1, 2020

Napuno ng pagbati ang comment section ng Instagram account ni Andi Eigenmann pagkatapos niyang i-announce that she's pregnant with her third child.
Knows naman ng marami na may dalawang anak na si Andi na pawang mga babae, sina Ellie at Lilo. Si Ellie ay anak ni Andi kay Jake Ejercito at si Lilo naman ay sa current partner niyang surfing champion na si Philmar Alipayo.
Si Philmar din ang ama ng ikatlong ipinagbubuntis ngayon ni Andi.
"It’s finally out! Happy to announce that we’re expecting another little member of the #happyislafam. Due in 2021," caption ni Andi sa kanyang IG post kahapon.
Kaka-celebrate lang nila ng first birthday ni Lilo last July and now, she's an ate na agad next year.
Isa sa mga naunang nag-post ng pagbati si Philmar, na may IG account name na Chepoxz.
"Love you so much, Mahal ko," sweet na comment ni Philmar.
Super-tamis din naman ng iginanting reply ni Andi, "Love you, Mahal! Can't wait to take pics together!!"
Binati rin si Andi ng kanyang ina, ang aktres na si Jaclyn Jose.
Say ni Andi, "Thanks nanay!"
Join din sa pagbati kay Andi ang mga celebrity friends niya gaya nina Pauleen Luna-Sotto, Cheska Kramer at ang fiancè ni Angel Locsin na si Neil Arce.
Nagtataka naman kami kung bakit walang reply si Andi sa comment na pagbati sa kanya ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.
Anyway, sa IG account ni Philmar ay may separate post din ng announcement para sa paparating na second baby nila ni Andi.
Ipinost ni Philmar ang picture ni Andi na labas ang maumbok na tiyan sa suot na light blue two-piece dress habang karga si Lilo.
"Another blessing coming in 2021.. I love you so much mahal ko @andieigengirl," caption ni Philmar sa piktyur ng kanyang mag-ina.
Ni-reply-an naman siya ni Andi ng "I love you too."
Kung si Andi ay anak na si Ellie nu'ng naging sila ni Philmar, ang surfer naman ay may dalawa na ring anak from previous relationships. Ang una ay lalaki na kasama niyang naninirahan sa Siargao at 'yung pangalawa ay babae na kasama ng ina nitong naninirahan sa France.





Comments