Pangarap magturo sa public school, papasa sa ikatlong pagkuha ng board exam
- BULGAR
- Dec 8, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | December 08, 2021

KATANUNGAN
Dalawang beses na akong kumukuha ng teacher’s board exam, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pumapasa. Sa ngayon, nagtuturo ako sa isang private school, pero maliit lang ang suweldo, at kaya nangangarap din akong pumasa sa board exam ay para makalipat sa public school.
Sa ikatlong pagkakataon, kung kukuha ako ng exam sa susunod na taong 2022, ano ang nakikita n’yo sa guhit ng aking palad, makakapasa na ba ako?
KASAGUTAN
Maganda at tuloy-tuloy naman ang pag-usad pataas ng Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, Aira. Ibig sabihin, kahit hindi ka pa nakakapasa sa board exam, hindi ka naman mawawalan ng trabaho, sa halip ay tuloy-tuloy ka pa ring makapagtuturo.
Dagdag pa rito, bukod sa magandang Fate Line F-F arrow a.), mayroon ka ring Effort Line at Teacher’s Square (E-E arrow b. at arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang problema nga lang, medyo magulo at buhol-buhol (arrow d.) ito, na nangangahulugang bagama’t magiging ganap ka ring guro at makakapasa sa board exam sa panahong inilaan ng kapalaran, hindi madali para mangyari ‘yun. Bagkus, tulad ng nangyari at nangyayari, kailangan mong pagsikapan nang todo ang nasabing layunin upang sa bandang huli, tutok talaga sa pagre-review at makakapasa ka rin.
Ang pag-aanalisang habang may buhay ay may pag-asa, at italaga mo na ang iyong sarili na hindi madaling maabot ang rurok ng tagumpay sa pagtuturo ay madali namang kinumpirma ng lagda mong medyo magulo sa simula, pero naayos at gumanda sa bandang gitna hanggang sa dulo. Ito ay malinaw na tanda na pagtuntong mo ng edad 25 pataas, tuloy-tuloy na lilinaw at magsisimulang yumabong at gumanda nang husto ang iyong career bilang successful na guro.
DAPAT GAWIN
Aira, ayon sa iyong mga datos, ituloy mo lang ang binabalak mong pagkuha ng board exam sa susunod na taong 2022 at sigurado na ang magaganap. Sa ikatlong pagtatangka na sadyang pinaghandaan mo naman nang husto, walang duda na makakapasa ka at magiging ganap na titser.




Comments