top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pangalawa at mas magandang marriage line, tanda na makapag-aasawa ulit kahit pangit ang past

  • BULGAR
  • Jun 30, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 30, 2021



KATANUNGAN

  1. Ako ay hiwalay sa asawa at may dalawa kaming anak, pero ngayon ay may nanliligaw sa akin na hiwalay din sa asawa. Natatakot at nag-aalinlangan ako na sagutin siya dahil natatakot akong maulit ang nangyari sa una kong asawa na naging babaero at lasinggero kaya kami naghiwalay. At ang masakit, madalas ding binubugbog niya ako kaya talagang hindi na ako nakatiis at nilayasan ko na siya.

  2. Sa palagay mo, Maestro, sa ikalawang pag-aasawa may pag-asa pa ba akong habambuhay na lumigaya?

KASAGUTAN

  1. Kung pananaigin mo ang takot at palagi mong ilalagay sa iyong isipan ay ang mapait at malungkot na nakaraan, paano ka magkakaroon ng masayang buhay pamilya? Sabihin na nating may dalawa kang anak ngayon, paano kapag nag-asawa na rin sila at nagkaroon ng sariling pamilya?

  2. Minsan, talagang kapag nagkaroon ng mapait na karanasan, nananatili ito sa ating memorya nang mahabang panahon at matagal talagang mabura. Dahil dito, palagi nating iniisip na baka maulit na naman ang karanasang ito na nagdudulot sa atin ng pag-aalala para hindi na kumilos pa ngayon. Kaya mahalaga na marunong kang magbasa ng guhit ng palad, upang matiyak mo kung mauulit pa ba o hindi na ang nakaraang mapapait na karanasan ng indbidwal na tulad mo, Mara.

  3. Sa kaso mo, kapansin-pansing may malinaw at magandang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sigurado na ang magaganap kung saan sa bandang huli, ang ikalawa at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) ang mananaig. May pangako ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, na kinumpirma ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) na nakatuntong sa Bundok ng Ligaya (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nagsasabing nabigo ka man at lumuha sa unang pag-aasawa, sigurado namang sa ikalawang pag-aasawa, makararanas ka na ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


DAPAT GAWIN


Habang, ayon sa iyong mga datos, Mara, tulad ng nasabi na, mananaig ang ikalawang mas magandang Marriage Line (arrow b.) sa iyong palad kaysa sa nauna (arrow a.). Ito ay maliwanag na tanda na sa ikalawang pag-aasawa na hatid ng kasalukuyan mong manliligaw, habambuhay ka nang liligaya na nakatakdang maganap at mangyari sa taong 2023, sa edad mong 33 pataas.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page