Pang-SEA games na… ANAK NINA GOMA AT LUCY, PAMBATO NG ‘PINAS SA FENCING SA THAILAND
- BULGAR

- Jun 28
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 28, 2025
Photo: Juliana Gomez - IG
Kamakailan ay nagdaos ng panunumpa si Ram Revilla Bautista para sa pagkapanalo bilang vice-governor ng Cavite.
Kasama ni VG Ram ang kanyang mga magulang na sina Senator Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado-Revilla.
Nagbahagi sa social media post si Sen. Bong ng larawan at may caption na: “Isang napakalaking karangalan at kasiyahan ang masaksihan ang panunumpa ng aming mahal na anak, Vice-Governor Ram Revilla Bautista! (thumbs up & praying hands emoji).
“Nawa’y patuloy kang maglingkod at makapamuno nang buong-puso, at laging inuuna ang kapakanan ng ating mga kababayan sa minamahal nating Dakilang Lalawigan ng Cavite.
“Kabilang din sa mga nanumpa sa katungkulan ang magsisilbing ama ng lalawigan na si Gov. Abeng Remulla, gayundin ang mga board members ng mga distrito.
“Mabuhay po kayo! (praying hands emoji) Mabuhay ka, VG Ram Revilla! (raised hands in celebration emoji) (Philippine flag emoji) Ipinagmamalaki kayo ng bawat Caviteño at Caviteña!”
Si Congw. Lani naman ay nagbahagi rin ng pagsuporta kay VG Ram sa kanyang Facebook (FB) page post.
Pahayag ni Congw. Lani, “Isa sa pinakamalaking karangalan ng isang ina ang makita ang kanyang anak na manumpa sa katungkulan bilang isang lingkod-bayan.
“To our new Vice-Governor Ram Revilla Bautista, I am confident that you will honor the responsibility and trust given to you by our fellow Caviteños.
“Continue to serve with all your heart and with all your mind. Congratulations! Proud of you, anak. We will always be here to support you.”
Congrats, Ram Revilla!
Sa social media post ng aktor-pulitiko na si Richard Gomez ay masaya niyang ibinalita na tatlo sa ating mga atleta mula sa Ormoc City ang kuwalipikado para sa Women’s Epee National Team at makakakita ng aksiyon sa darating na Thailand South East Asian Games sa Disyembre. Ito ay sina Alexa, Ivy at Juliana.
Yes, isa nga sa mga nakakuha ng slot ay ang anak nina Richard at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez na si Juliana Gomez na magre-represent ng ‘Pinas in fencing at the upcoming Southeast Asian (SEA) Games.
Kaya naman, masaya itong ibinahagi ng aktor sa kanyang Facebook (FB) page post.
Aniya, “Today was a very happy day.
“Three of our athletes from Ormoc City qualified for the Women's Epee National Team and will be seeing action at the coming Thailand SouthEast Asian Games in December. Let’s go team! Alexa, Juliana and Ivy.”
Sabi ng aming kaibigan ay nakuha ni Juliana ang kanyang slot dahil sa sipag at tiyaga sa pag-eensayo at sunud-sunod na malalakas na performance sa mga qualifying tournaments, na nagpapatunay sa kanyang husay at determinasyon sa sport.
Dagdag pa ng friend ni yours truly ay ang pagkahilig ni Juliana sa fencing ay nagtuluy-tuloy at talagang magaling daw ito. Ang kuwalipikasyon nina Juliana, Alexa at Ivy ay nakikita bilang isang pagpapatuloy ng isang legacy—at isang promising step forward para sa Philippine sports.
No wonder na super proud sina Goma at Lucy sa kanilang only daughter na
maganda na, matalino at talented pa.
Pak, ganern!
SI Ricardo Cadavero, o mas kilala bilang ‘Cardong Trumpo’ ay hinirang bilang grand winner ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7.
Sa nasabing competition, nakakuha si Cardong Trumpo ng 99.5% sa combined tally ng scores ng mga hurado at online votes.
Ito ang naging pahayag ni Cardong Trumpo matapos niyang makatanggap ng P2 million bilang grand prize sa kanyang pagkapanalo sa PGT Season 7, “Pangarap ko lang po ‘yung isang kilong bigas magkasya lang sa 3 beses sa isang araw. Pero sobra-sobra itong ibinigay n’yo sa akin.
“Lord, thank you! At sa inyong lahat, maraming salamat!”
Congrats, TATAY CARDO! God is good all the time. All the time, God is good...
‘Yun lang and I thank you…










Comments