top of page
SHEET Lisensiya, suspendido, nag-chopper pa-LTO… LACANILAO KAY GEO ONG- MAGING GOOD EXAMPL

Pang-apat na beses nang nagloko... Misis at kabit, ipinakulong ni mister

Writer: BULGAR
BULGAR
15 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | November 24, 2026



Pang-apat na beses nang nagloko... Misis at kabit, ipinakulong ni mister

Photo: File



Sa kulungan ang bagsak ng isang 31-anyos na ginang at edad 24 na umano'y kalaguyo nito matapos ipakulong ng mister sa Toledo City, Cebu.


Hindi na umano matiis ng 41-anyos na asawa ang panlalalaki ng ginang kaya ipinahuli niya ito kasama ang kabit sa Brgy. Poblacion.


Batay sa pahayag ng mister, ito na ang ikaapat na beses na nagloko ang kanyang misis kaya napuno na ito.


Pinalampas umano niya ang tatlong pagkakataon pero hindi na sa ikaapat dahil iniwan na silang mag-ama at nakisama ang misis sa kabit.


Dahil dito, nag-report sa pulisya ang mister at sinamahan siya ng mga pulis sa inuupahang kuwarto ng dalawa at inaresto ang mga ito na nahaharap na sa kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page