top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Panelo, kinuhang adviser ni Robin sa Senado, para na rin siyang nanalo, he-he

BULGAR
May 14, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 14, 2022


PARANG NANALONG SENADOR DIN SI PANELO – Viral ngayon sa social media ang larawan nina No. 1 Senator-elect Robin Padilla na kasama ang talunan sa pagka-senador na si dating Presidential Legal Counsel, Atty. Salvador Panelo, na ayon sa actor-turned senator, ito (Panelo) raw ang kukunin niyang legislative consultant sa kanyang tanggapan sa Senado upang gumawa ng mga panukalang batas.


Kung ganu’n, parang nanalong senador na rin pala si Panelo, kasi ang trabaho ni Robin sa Senado ay siya ang gagawa, period!


◘◘◘


WILLIE REVILLAME AT AI AI DELAS ALAS BAKA KUMANDIDATONG SENADOR SA 2025 – Dahil kalat na sa social media ang sinabi ni Robin na si Panelo ang kanyang gagawing legislative consultant, malamang nakarating na ang news na ito kina comedian-TV host Willie Revillame at Ai Ai delas Alas, kaya't huwag magtaka kung pagsapit ng 2025 election ay kumandidato na rin sa pagka-senador sina Willie at Ai Ai.


Puwede naman pala na matawag silang mga honorable senator, pero ang gagawa ng kanilang trabaho sa Senado ay kanilang mga legislative consultant, boom!


◘◘◘


MALAMANG HINDI SUNDIN NI BBM UTOS NI P-DUTERTE – Nagparating ng mensahe si outgoing Pres. Rodrigo Duterte kay incoming Pres. Bongbong Marcos, Jr. na baguhin ang Konstitusyon.


Ang problema rito ni P-Duterte ay baka hindi sundin ni BBM ang kanyang utos, kasi hindi naman siya nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Bongbong, tapos ngayong nanalong presidente na si BBM ay kung utusan niya para bang nakatulong siya sa kandidatura ni Bongbong, period!


◘◘◘


BAKA SA KULUNGAN NA MABULOK SI DE LIMA – Kahit binawi na nina drug lord Kerwin Espinosa at dating BuCor (Bureau of Correction) Director Rafael Ragos ang kanilang testimonya na nagdiin kay detenidong Sen. Leila de Lima sa drug case, ay malabo pa rin makalaya ang senadora.


Hindi kasi si Vice Pres. Leni Robredo ang nanalo, at dahil sina BBM-Sara Duterte ang nagwagi sa pagka-presidente at VP, malamang, tuluyan nang mabulok sa piitan ang senadora, tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page