top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pandemya na, talamak pa rin ang droga, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2020
1 min read

@Editorial | December 5, 2020



Mahigit pitong bilyong pisong halaga ng iba’t ibang ilegal na droga ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Pangulong Duterte ang mga ahensiya na nagpapatupad ng batas na paigtingin ang kampanya laban sa kalakalan ng ilegal na droga.


Kabilang sa mga sinirang ilegal na droga ay shabu, cocaine, ecstasy at liquid marijuana.


Ganito katindi ang problema ng bansa pagdating sa ipinagbabawal na gamot. Sa kabila ng napakahabang lockdown ay talamak pa rin ang bentahan.


Halos hindi na nga pinalalabas ang mga tao, nagagawa pa ring makapuslit ng mga tulak at adik.


At tila lalo pang lumala na unti-unting lumuwag ang community quarantine. Araw-araw ay may mga nahuhuling nagbebenta ng droga — bata, matanda, babae, lalaki, lahat pinasok na ang masamang gawain.


Tipong hindi maubus-ubos ang supply at kahit yata gawing non-stop ang anti-drug operations ay meron pa ring mahuhuli.


Nakapanlulumo dahil sa kabila ng mga pagsubok may mga mas pinipili pa ring gumawa ng mali at nandadamay pa ng iba.


Sa halip na nakatuon ang gobyerno sa pagbangon mula sa mga kalamidad at pandemya ay kailangan pa nilang bantayan itong mga pasaway na drug lord, tulak at adik.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page