top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pandemya, bagyo, sunog, laban lang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 4, 2020
  • 1 min read

@Editorial | November 04, 2020


Kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly, pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maibibigay ang tulong at benepisyo ng mga manggagawa bago pa man sumapit ang Pasko.

Ang tinutukoy ay ang dagdag na P2 bilyong pondo na inaprubahan sa ilalim ng Bayanihan 2 para sa mga manggagawa na hindi nakasama sa mga naunang Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sadyang mahirap talaga ang sitwasyon ngayon, may mga kababayan tayong unti-unti palang bumabangon mula sa epekto ng pandemya, sinundan naman ng bagyo at ang masaklap, halos sunud-sunod pa ang sunog sa ilang lugar. Napakabigat kung iisipin pero, ‘ika nga, habang may buhay, may pag-asa!

At ang pakiusap naman sa gobyerno, tulad nitong may nakalaan namang tulong ay huwag nang patagalin pa.

Samantala, halos ganito rin ang panawagan para naman sa mga senior citizens.

Iginiit na gawing prayoridad ang mga nakatatanda na lubhang naapektuhan ng bagyo — unahin sa gamot, pagkain at iba pang pangangailangan.

Nagpapasalamat tayo na hindi lang pamahalaan ang tumutulong sa mga labis na nahihirapan sa panahong ito kundi marami ring indibidwal at grupo ang handing umagapay. Sa pamamagitan nila, mas marami pa ang nai-inspire na tumulong din.

Muli, anumang pandemya, kalamidad o trahedya, palagi nating isipin na matatag ang Pinoy at lahat ay kakayanin, laban lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page