top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pandemya at bagyo joint forces, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2020
1 min read

@Editorial | October 25, 2020



Kasabay ng dinaranas nating pandemya, halos sunud-sunod na bagyo rin ang pumapasok sa bansa.

Batay sa Department of Agriculture, aabot hanggang P120 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Pepito.

Pinakaapektado sa pananalasa ng ang mga pananim sa Northern at Central Luzon.

Apektado rin sa nagdaang bagyo ang mga tanim na mais at gulay.

Kaugnay nito, siniguro naman ng gobyerno ang tulong para sa mga apektadong magsasaka. Mayroon na umanong nakalatag na programa para tulungan silang makabangon ulit.

Nariyan umano ang mga quick response support kagaya na ng mga buto. Nakahanda na rin umano ang 91,000 bags ng bigas; 3,800 bags ng mais at 384 kilos ng mga buto ng gulay para makapag-replant agad.

Sadyang sinubok ng taong 2020 hindi lang ang ‘Pinas kundi ang buong mundo. Napakabilis na lumipas ng isang taon at parang kahapon lang nag-Enero 2020 na puno ng pag-asa ang lahat. Hanggang sa kumalat ang COVID-19 at maraming nagbago.

Hindi pa man natatapos ang taon, heto ang mga bagyo naman.

Pero, ang mahalaga ay kinakaya. Anumang pandemya o kalamidad, alam nating lilipas at makakaraos din tayo. Dasal at tiwala lang.

Pakiusap lang sa gobyerno, manatili rin ang katapatan sa taumbayan lalo na ganitong pagkakataon dahil walang ibang higit na makatutulong sa pagbangon kundi ang mga programa at proyektong laan para sa lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page