top of page
Robin Padilla at BB - FB - 1.jpg

Panawagan sa White Ribbon March... Lahat ng korup, dapat managot

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 29, 2026



White Ribbon March

Photo: NAGMARTSA ang isang grupo na ito sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City, patungo sa EDSA Shrine bilang pakikiisa sa malawakang kilos-protesta na White Ribbon March. (Jeff Tumbado)



Dumalo sa martsa ang mga lider ng Simbahan, civil society groups, progresibong grupo, at iba pang organisasyon na nagpahayag ng kanilang panawagan para managot ang lahat ng kurakot.


Nagsimula ang programa sa pagdaraos ng banal na misa sa EDSA Shrine, bago sila nagmartsa patungo sa People Power Monument, kung saan idinaos ang pangunahing programa ng pagtitipon.


Ayon sa mga organizer, ang White Ribbon March ay isang mapayapa, hindi partidista, at nakabatay sa pananampalatayang pagkilos na layuning ipahayag ang lumalaking pagkabahala ng publiko sa mga usapin ng korupsiyon.


Sinabi ng White Ribbon Movement na layunin ng martsa na pag-isahin ang mga Pilipino mula sa iba't ibang relihiyon at sektor upang hikayatin ang mga otoridad na magsagawa ng patas na imbestigasyon sa korupsiyon, palakasin ang mga mekanismo ng pananagutan sa pamahalaan, at isulong ang mga reporma, kabilang ang mga hakbang laban sa political dynasty.


Iginiit din ng grupo na hindi ito sumusuporta o kumokontra sa anumang partidong pampulitika o kandidato.


Nauna nang nagpahayag ng suporta ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) sa pagtitipon at hinikayat ang mga nagnanais na lumahok na gawin ito nang mapayapa at may panalangin.


Nakiisa rin sa martsa ang mga lider mula sa iba't ibang denominasyong Kristiyano, Muslim, at Protestante, na nagsabing ang pagkilos ay isang moral na panawagan para sa katotohanan, katarungan, at responsableng pamamahala.


Nag-deploy naman ang National Capital Region Police Office ng mahigit 9,500 pulis sa iba't ibang bahagi ng Metro 


Sa tantya ng mga otoridad, aabot sa humigit-kumulang 10,000 ang kabuuang bilang ng mga lumahok.


Naging mapayapa ang pagtitipon at wala namang naitalang malaking insidente hanggang sa pagtatapos ng programa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SUNDAY,  JUNE 28, 2026  JACKPOT PRIZE*

Ultra Lotto 6/58  : 46-56-08-01-03-05 ₱ 128,000,000.00
Super Lotto 6/49 : 32-01-35-23-14-29 ₱ 46,214,516.39
3D Lotto 2 PM      : 3-26-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 0-1-7-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
7-7-0-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page