top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Panawagan sa mga rider, motorsiklo irehistro muna bago biyahe

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | December 01, 2023


Sa naitalang milyun-milyong sasakyan na hindi pa rehistrado, kabilang dito ang humigit-kumulang na 13 milyong motorsiklo ang unregistered.


Sa ginanap na hearing ng Senate Committee on Justice and Human Rights, sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Plates Unit officer-in-charge Nivette Amber Pastorite na 12.9 milyong motorsiklo ang bumibiyahe sa mga lansangan sa buong bansa.


Subalit, ayon kay Sen. Francis Tolentino, na siyang chairman ng komite, na noong Pebrero nasa tinatayang 4 milyong dagdag na hindi rehistradong motorsiklo na hawak nila.


Matatandaang ipinahayag ni LTO chief Asec. Vigor Mendoza na maraming delingkwenteng may-ari ang nakakalimutang magparehistro ng kanilang motorsiklo o kaya naman ay bigo na mai-transfer ang ownership nito matapos na mabili ang sasakyan.


Gayundin, ayon kay Mendoza, bigo umano ang mga may-ari ng motor na mairehistro ang kanilang mga sasakyan lalo na kung ito ay nasa ilalim ng 3-5 years installment.


Sa pinakahuling datos ng LTO noong 2003, mayroong 38 milyong 4-wheeled vehicles at motorcycles ang tumatakbo sa mga kalsada, subalit 13.9 milyon lang ang nakarehistro.


Tila nakababahala na marami palang motorsiklo na bumabagtas sa mga lansangan sa buong bansa na hindi nakarehistro, kung saan halos kalahati nito ang sinasabing 24.7 milyong sasakyan na unregistered.


Kung titingnan, kaya pala maraming nagkalat na mga motorsiklo sa mga kalsada ay dahil sa ginagamit pa rin ito ng mga may-ari ng naturang sasakyan, kahit marahil alam nilang hindi ito rehistrado.


Panawagan natin sa ating mga kababayan, kahit na magsasagawa na ang kinauukulan ng nationwide registration caravan ng mga sasakyan ay magkusa na lamang tayo na magparehistro ng ating mga motorsiklo. Hindi kasi tama na ang ginagamit nating sasakyan ay walang kaukulang dokumento at hindi rehistrado dahil sakaling magkaroon ng aksidente tayo rin ang labis na mapeperhuwisyo.


Mas makabubuti sa atin na gawing irehistro ang ating mga sasakyan para maging mas maayos at kampante tayo sa ating pagbibiyahe sa mga susunod na araw.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page