top of page

Panalo ang diskarte ni Bongbong

  • BULGAR
  • Nov 25, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 25, 2022


Isang nakatutuwang agenda sa pagdalaw naman ni US VP Kamala Harris, na tumulong upang makagamit ang Pilipinas ng nuclear energy.


Ibig sabihin, makikiisa ang US upang mapababa ang presyo ng elektrisidad at siyempre, magkaroon din ng sapat na suplay.


◘◘◘


NUCLEAR energy din ang ipinapangako ng France at kinukumbida rin si P-BBM na mag-state visit sa Paris.


Aba’y bibihirang oportunidad ito na dapat sunggaban.


◘◘◘


INIHAYAG ng DOE na ilalatag nila ang mga rekisitos upang masimulan ang feasibility study sa pagtatayo ng maliliit na nuclear plant sa bansa na mas ligtas at praktikal.


Prayoridad na pagtatayuan nito ang Mindanao at Palawan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente kung sakaling magkaroon ng aksidente.


◘◘◘


SA totoo lang, ang lahat ng pinakamauunlad na bansa sa daigdig ay may kani-kanyang nuclear plant.


Kung hinayaang gamitin ang Bataan Nuclear Plant na ipinatayo ni Pangulong Marcos, hindi sanay isa nang 'Tiger economy' ang Pilipinas dahil sa episyente at murang halaga ng elektrisidad na gamit sa industriya.


◘◘◘


MARAMI ang natutuwa sa bunga ng biyahe ni P-BBM sa ibang bansa kabilang ang Thailand, Indonesia at Cambodia.

Nakopo niya ang multi-bilyong pisong investments pledges.


◘◘◘


HINIKAYAT ni P-BBM ang mga kapitalista sa APEC na magnegosyo sa Pilipinas dili kaya’y tumanggap ng OFWs para sa kanilang industriya.


Kumbaga, two birds in one-shot!


◘◘◘


KAHIT ang ilang miyembro ng Kamara ay binabati si P-BBM sa kanyang diskarte.


“President Marcos has again proven himself as the best marketing strategist. He was able to promote our country as an investment hub for food, agriculture and energy opportunities, among others,” wika ni Rep. Jayjay Suarez ng Quezon.


◘◘◘


AYON kay Suarez, direktang nakipag-usap si P-BBM sa mga ehekutibo ng Thai-based Siam Cement Group (SCG).


Nakipag-one-on-one talk din siya sa mga lider ng Kingdom of Saudi Arabia, France, Australia, New Zealand at China.


◘◘◘


BILANG kapalit, personal na inanyayahan si P-BBM na dumalaw sa mga naturang bansa.


Pinasalamatan naman ni FL Liza Araneta, Marcos ang Royal Family ng Thailand at maging ang mamamayan dito sa masiglang pagtanggap.


◘◘◘


“OUR President was well received and widely applauded by leaders all over the world,” pagdidiin ni Suarez.


Isang magandang oportunidad ang mga state visit upang personal na maisulong ang Pilipinas bilang sentro ng pag-unlad sa Asia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page