Panaginip tungkol sa mga paboritong artista, pahiwatig ng kabiguan sa pangarap
- BULGAR
- Mar 17, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 17, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Imelda ng Roxas City.
Dear Maestra,
Have a blessed Lenten Season sa inyo. Madalas kong mapanaginipan ang mga paborito kong artista, lalo na si Ruru Madrid at Bianca Umali.
Napanaginipan ko na na-meet ko sila at binigyan nila ako ng advice tungkol sa araw-araw kong pamumuhay. Gayundin, nag-advice rin ako sa dalawa tungkol sa buhay may asawa.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Imelda
Sa iyo, Imelda,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na na-meet mo ang paborito mong artista sina Ruru at Bianca ay mabibigo ka sa pinakamimithi mong makamit dahil na rin sa iyong kapabayaan at maling diskarte sa buhay.
Ang bigyan ka nila ng advice tungkol sa araw-araw mong pamumuhay ay nangangahulugang may dinaranas kang problema sa kasalukuyan, pero malulutas mo agad ito dahil tutulungan ka ng mga pinagkakatiwalaan mong kaibigan.
Samantala, ang ibig sabihin ng binigyan mo rin ng advice ang mga paborito mong artista tungkol sa buhay may asawa ay pararangalan ka sa isang kahanga-hangang bagay na nagawa mo sa lugar n’yo. Hahangaan at rerespetuhin ka nila dahil isa kang huwaran sa inyong pamayanan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments