top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pamumulitika, out sa medical assistance

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | July 18, 2025



Editorial

Isang mambabatas ang nagsusulong na alisin ang umano’y pamumulitika sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng pagsasailalim nito sa Universal Health Care Act – at pagpataw ng parusa sa pamumulitika.


Dapat lang naman na ang tulong-medikal ay manggaling direkta sa gobyerno sa paraang malinaw, pantay, at walang kinikilingan — hindi na kailangang dumaan pa sa opisina ng mga pulitiko. Sa ganitong paraan, nabibigyang-diin na ang tulong ay karapatan ng mamamayan, hindi isang pabor at ‘di rin limos.


Kapag naalis ang kulay ng pulitika sa pagbibigay ng serbisyong medikal, mas mapapalakas ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.


Ang kalusugan ay isang karapatang pantao, hindi premyong ibinibigay kapalit ng suporta o boto. Ang medical assistance ay dapat ihiwalay sa pulitika. 


Tungkulin ng estado at ng mga halal na opisyal na tiyaking ang bawat Pilipino, anumang kulay ng pananaw o paniniwala ay may pantay na access sa serbisyong medikal.

Panahon na upang baguhin ang mga patakaran sa pagbibigay ng tulong-medikal, at ilayo ito sa kamay ng mga naghahanap ng kapangyarihan. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page