top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pampanga Delta, nagbabanta sa next match ng NBL

  • BULGAR
  • Sep 20, 2021
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | September 20, 2021



Pakabog na mga mensahe ang iniwan ng paboritong Pampanga Delta sa ibang mga kalahok sa Chooks To Go National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2021 matapos nilang katayin ang bisitang Mindoro Tamaraws, 130-83, sa pagpapatuloy ng mga laro Sabado ng gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center ng San Fernando, Pampanga. Walong Delta sa pangunguna nina Florencio Serrano at Levi Hernandez ang nagtala ng 10 o higit pang puntos upang maghatid saya sa mga tagahanga na naghintay ng 54 araw para bumalik ang liga.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang Pampanga at kinuha at first quarter, 33-16, at lalong lumayo sa halftime, 68-31. Itinuloy pa rin ng Delta ang husay at pinaabot pa hanggang 54 ang lamang sa 4th quarter, 115-61.

Gumawa si Serrano ng 26 puntos sa loob lang ng 22 minuto bilang reserba. Nagtala si Hernandez ng 14 sa first half at binigyan niya ng pagkakataon na magpakitang gilas ang mga kakampi sa second half laban sa Tamaraws na may 10 lang ang manlalaro.

Bilang isang ganap na atletang propesyunal, hindi na makalalaro si Serrano sa UAAP para sa De La Salle University. Inaantabayanan din na maglaro ang kakampi sa Green Archers na si Gilas Pilipinas Justine Baltazar subalit hindi muna siya ginamit ng Delta

Sa isa pang laro noong Sabado, kumapit ng husto ang Quezon Barons sa 4th quarter upang matigil ang hamon ng Laguna Pistons, 89-85. Nanguna para sa Barons sina Lagrama at Arvine Calucin na may tig-20 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page