top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pamilyang tutol sa relasyon, dapat pakinggan dahil nakatakdang makahiwalay ang BF

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2021
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| March 11, 2021





KATANUNGAN


  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung magkakatuluyan ba kami ng boyfriend ko? Tutol ang pamilya niya sa relasyon namin, tapos dati pa sinabi ng parents at mga kapatid ko na layuan ko na siya, pero hindi ako nakinig sa kanila, tapos ngayon ay nagkakalabuan na kami ng boyfriend ko.

  2. Sabi pa ng mga kapatid ko, bata pa raw ako kaya makakalimutan ko rin siya. Sa ngayon, kahit nagkakalabuan kami ng boyfriend ko, nararamdaman kong magiging kami ulit dahil mahal na mahal ko siya.

  3. Maestro, ano ang dapat kong gawin at sino ba ang dapat kong sundin, ang damdamin ko o ang mga magulang ko?

  4. Gayundin, makakatapos ba ako ng pag-aaral? At kung hindi man ako makatapos, magiging maganda ba ang takbo ng aking career balang-araw? Pangarap ko ring makapag-abroad, pakitingnan na rin sa guhit ng aking palad kung ako ay makapangingibang-bansa.

KASAGUTAN


  1. May bilog ang kaliwa mong Heart Line (Drawing A. h-h arrow a.) habang nabiyak naman ang Heart Line sa kanan mong palad (Drawing B. h-h arrow b.). Ito ay tanda na kung ipagpipilitan mo man ang iyong puso at ang isinisigaw ng iyong damdamin, sa bandang huli, isang malaking kasawian sa pag-ibig ang naghihintay sa iyo.

  2. Samantala, kung susundin mo ang iyong mga magulang, tulad ng nangyayari ngayon, sa kalungkutan din mauuwi ang buhay mo sa aspetong pag-ibig at damdamin. Oo naman malulungkot ka, dahil sino ba naman ang hindi nalungkot sa sandaling magpasya siyang kalimutan na ang lalaking kanyang minamahal? Sa maikling salita, wala kang matinong mapamimilian ngayon kundi ang mabigo at tuluyang lumuha sa una mong pag-ibig.

  3. Gayunman, sa kabila ng lahat, masasabing mas mainam nang mabigo at lumuha nang sumusunod sa advice at sinasabi ng iyong pamilya kaysa naman sinuway mo sila at pagkatapos ay sa kangkungan din ng kalungkutan at kabiguan pupulutin ang iyong karanasan.

  4. Hinggil naman sa iyong career, dahil ikaw ay nagtataglay ng mala-square type hand (Drawing A. at B. arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, anuman ang isipin at pangarapin mo sa iyong career, makatapos ka man ng pag-aaral o hindi, sa bandang huli, nakatakda na ang will power o sarili mong diskarte at kagustuhan ang mananaig at matutupad.

  5. Ibig sabihin, kapag ginusto mong magkaroon ng trabaho, matutupad ito. Kapag ginusto mong umunlad at umasenso sa hanapbuhay o anumang larangang iyong maibigan, magagawa at maisasakatuparan mo ‘yun. Sapagkat ang mga taong may mala-square type hand, malaman, tumatalbog-talbog kapag sinalat, ibig sabihin ay maraming energy at tunay ngang nagagawa nilang ipatupad nang suwabeng-suwabe ang anumang maibigan nila at madali rin siyang nagtatagumpay sa anumang binabalak at makursunadahan nilang gawin sa kanilang buhay.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Kaya ayon sa iyong mga datos, sa lahat ng aspeto ng buhay, basta binigyang konsentrasyon mo, walang alinlangang makakamit mo ito at magtatagumpay ka, maliban sa isang bagay – at ito ay ang pag-ibig o kasalukuyang pakikipagrelasyon mo sa iyong boyfriend na tiyak namang sa kabiguan at kalungkutan mauuwi.

  2. Samantala, upang hindi ka mabigo at lumuhang muli sa susunod na pakikipagrelasyon, Ms. Aquarius, humanap ka ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini, Libra o kapwa mo Aquarius, na may birth date na 7, 16 o 25. Sa piling ng nasabing lalaki, makasusumpong ka ng tunay at wagas na pag-ibig na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2025 sa edad mong 25 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page