top of page
INSIDER - JULIE ANNE, KUMANTA KUNG BAKIT HINIWALAYAN NG FIRST LOVE-IG _myjaps & _aldenrich

Pambawi sa pramis ni PBBM na libreng tax sa P350K annual income... Dagdag-buwis sa mga produkto

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Mervin Reyes @News | July 29, 2026



Pambawi sa pramis ni PBBM na libreng tax sa P350K annual income... Dagdag-buwis sa mga produkto

Photo: File



Pinag-aaralan ng Kamara ang pagtataas ng buwis sa vape, sweetened beverages, single-use plastic at iba pang piling produkto upang mabawi ang tinatayang P50 bilyong mawawalang kita ng pamahalaan kapag naisabatas ang panukalang alisin ang income tax ng mga empleyadong kumikita ng hanggang P350,000 kada taon.


Ang hakbang ay bahagi ng mga isinusulong na paraan upang matiyak na may sapat na mapagkukunan ng pondo ang gobyerno habang ipinatutupad ang isa sa mga pangunahing pangakong inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).


Kasalukuyang pinag-aaralan ng Kamara ang balanse sa pagitan ng pagbibigay ng tax relief sa mga manggagawa at pagtiyak na hindi maaapektuhan ang kakayahan ng pamahalaan na pondohan ang mahahalagang programa at serbisyo para sa publiko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page