Pambara sa libu-libo lang na nag-dislike sa anak niya…

SIGAW NI SHARON: MILYONG PINOY ANG NAGMAMAHAL SA 'YO, KAKIE!
ni Nitz Miralles - @Bida | February 6, 2021

Nagsalita na si Sharon Cuneta sa mga patuloy na namba-bash sa anak na si Frankie Pangilinan at nagpakita ng pagkadisgusto nila sa dalaga base na rin sa thousands na nag-dislike sa guesting nito sa Wish 107.5.
Ipinost ni Sharon ang litrato ni Frankie noong bata pa ito at may caption na: “Love and light, our dearest, most precious, beautiful and talented daughter, KAKIE! Your music is awesome!!! We and millions of people out there love you so much.”
Ini-repost din ni Sharon ang post ng kanyang mga fans at pati quotation card na: “I am strong because a strong woman raised me” na patungkol kay Sharon.
Sa nag-comment na pumapatol si Sharon sa mga bashers, sagot ni Mega, “Not engaging! Unlike other people we do not fight dirty.”
May kumontra sa post na ito ni Sharon, pero hindi na niya sinagot.
In fairness, mas marami ang nagdepensa kay Frankie kesa sa mga bashers at pinayuhan ang mag-ina na ‘wag na lang pansinin ang mga naninira. Basta isipin na lang daw ni Frankie na maganda siya, super talented and smart.
Hindi naman talaga nagpapaapekto sa mga bashers si Frankie dahil sinasagot ang dapat sagutin at lumalaban siya kapag alam na siya ay tama.
Speaking of Sharon, regular na uli siyang mapapanood sa telebisyon kapag nag-airing na ang Your Face Sounds Familiar kung saan isa siya sa mga judges. Kasama niyang judges sina Ogie Alcasid at Gary Valenciano.





Comments