top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pamamasyal sa disyerto, pahiwatig ng kamalasan sa paglalakbay

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 14, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danilo ng Masbate.


Dear Maestra,


Dati akong nagtatrabaho sa Saudi at palagi kaming pumupunta sa disyerto. Nalilibang kami sa mga camel du’n. Gayunman, ngayon ay nandito ako sa Pilipinas at halos araw-araw akong nananaginip ng mga camel. Namasyal ako sa disyerto, tapos may dalawang kamelyo ru’n, ‘yung isa ay may dalawang humps, habang ‘yung isa naman ay isa lang ang hump.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Danilo


Sa iyo, Danilo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na namasyal ka sa disyerto ay makakapaglakbay kang muli sa ibang bansa, subalit makakaranas ka ng kamalasan sa iyong paglalakbay.


Maraming sagabal ang iyong haharapin bago mo marating ang bansang pupuntahan mo.


Samantala, ang camel na may dalawang humps ay nangangahulugang maraming kabiguan ang mararanasan mo sa unang bahagi ng iyong buhay, subalit malalagpasan mo ito kung magiging matapang ka at buo ang loob na sumagupa sa anumang hamon ng buhay. Gayunman, sa bandang huli, pagpapalain at sasagana ka sa buhay.


Ang camel na may isang hump ay halos ganundin ang kahulugan. Nagpapahiwatig ito ng mga hadlang o sagabal na maaari mong danasin sa araw-araw mong pamumuhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page