Pamamaril sa Senado... Aplasca, sinibak na ng Ombudsman
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
by Mervin Reyes @News | July 5, 2026

Photo: File
Inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang pagtanggal sa serbisyo kay dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca matapos ang insidente ng putukan sa Senado noong Mayo.
Sa isang panayam, sinabi ni Remulla na nilagdaan niya ang dismissal order laban kay Aplasca noong Hunyo 29.
“We will release the decision for people to see because it is difficult to explain,” dagdag niya.
Noong Mayo, ipinataw ng Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension kay Aplasca habang iniimbestigahan ang insidente ng pamamaril sa loob ng Senado noong Mayo 13.
Si Aplasca, na noo'y acting Senate Sergeant-at-Arms, ang umano'y unang nagpaputok ng warning shot na nauwi sa engkuwentro.
Nangyari ang insidente habang isinasailalim sa preventive custody si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa kaugnay ng umano'y pagtatangkang ipatupad ang warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC).





Comments