Pamamaril sa port city, 10 todas

May 5, 2023
1 min read
ni Jenny Albason | May 5, 2023

Nasawi ang 10 katao sa pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa isang port city, sa Guayaquil, Ecuador.
Ayon sa Ecuadorian Prosecutor’s Office, natagpuan nila ang isang rifle at 9-millimeter na baril sa lugar kung saan nangyari ang insidente.
Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang mga suspek na nasa likod ng pamamaril.
Sinara agad ng mga awtoridad ang mga daanan palabas at papasok sa nasabing lugar.





Comments