top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pamamahala sa mga dam, dapat imbestigahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 17, 2020
  • 1 min read

@Editorial | November 17, 2020



Marami ang sang-ayon na imbestigahan ang pamamahala sa mga dam matapos magdulot ng malalang pagbaha ang pagpapakawala ng tubig sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.


Dapat matukoy kung bakit maraming residente at opisyal na rin ng gobyerno ang tila nabulaga sa malalang pagtaas ng tubig.


Lumalabas sa inisyal na ulat na tila walang ideya kung gaano karami ang antas ng tubig na pakakawalan ng mga dam.


Nakapagtatakang ‘yung mga lugar na hindi naman daw binabaha nang grabe ay biglang nangailangan ng saklolo.


Panahon na para mapagtuunan ng pansin ang usapin sa pamamahala sa mga dam.


Dapat nang i-upgrade ang mga water infrastructures at facilities sa bansa dahil kung hindi ay mauulit lang ang ganitong insidente at maaaring mas lalo pang lumala.


Gayundin, ang mismong sistema ng pamamahala sa mga ito. Nagbabago ang panahon, ang kapaligiran at ang mismong dam, kailangang sumabay upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.


Kasabay nito, dapat ding mas tutukan ang flood control projects ng gobyerno. Malaki rin ang nagagawa nito upang malabanan ang matinding pagbaha.


Higit sa lahat, alagaan natin ang kalikasan, sagipin ang mga nakakalbong kabundukan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page