top of page

Palusot ni Roque sa travel companion, sablay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 19, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DARATING ANG PANAHON WALA NANG MARGINALIZED SECTOR REP. SA KAMARA, LAHAT PARTYLIST NA NG MGA TRAPO -- Kung hindi iba-ban ng Comelec ang partylist na itinatag ng pamilya ng mga trapo (traditional politicians) ay darating ang panahon na wala nang magiging representante ang mga partylist na totoong nagre-represent sa mga marginalized sector sa bansa, na ibig sabihin ay pulos partylist ng mga trapo na lang sa kanilang pamilya ang mauupo sa Kamara.


Sa ngayon kasi, kung titingnan ang website ng Kamara ay mabibilang lang sa daliri ang mga partylist representative na totoong may nire-represent na marginalized sector, at karamihan sa mga nanunungkulang partylist sa Kamara ay mula sa partylist ng mga trapo, period!


XXX


TALO SA LABANAN ANG MGA NOMINADONG TOTOONG MAGSASAKA, MANGINGISDA, MANGGAGAWA, TSUPER AT KATUTUBO SA MGA KATUNGGALI NILANG ASAWA, ANAK AT KAPATID NG MGA TRAPO -- Sa panahon ng eleksyon, agrabyado sa labanan ang partylist na ang mga nominado ay totoong magsasaka, mangingisda, manggagawa, tsuper at katutubo dahil wala silang gaanong badyet sa kampanya, kumpara sa partylist na ang nominado ay asawa, anak at kapatid ng mga trapo dahil sandamakmak ang kuwartang pangkampanya nila sa halalan.


Iyan ang dahilan kung bakit walang totoong magsasaka, mangingisda, manggagawa, tsuper at katutubo na nagre-represent sa kanilang sektor ang nananalo at nauupo sa Kamara, tsk!


XXX


SABLAY ANG PALUSOT NI HARRY ROQUE SA ISYUNG TRAVEL COMPANION --Pinagtatawanan sa social media ang sablay na palusot ni former Presidential spokesman Harry Roque, na kaya raw niya madalas na isinasama sa biyahe ang makisig na dati niyang executive assistant na si AR Dela Serna ay dahil need daw niya talaga ang travel companion kasi bukod sa siya ay diabetic, may sakit din daw siyang spinal stenosis.


Sa totoo lang, pagtatawanan talaga siya ng netizens kasi kung siya ay may sakit, dapat ang travel companion niya ay nurse, at hindi ang makisig na nagwaging Mister Supranational Philippines 2016 (Dela Serna), boom!


XXX


WALA PANG SOCIAL MEDIA, WALA PANG VLOGGERS, SIKAT NA ANG CORON SA PALAWAN -- Depensa nina vloggers Rendon Labador at Rosamarie “Rosmar” Pamulaklakin sa mga batikos na inaabot nila tungkol sa pambu-bully umano nila sa isang staff ng Coron Municipal Hall sa Palawan, na hindi raw dapat silang palabasing masama dahil kaya raw sila nagtungo sa Coron ay para tumulong sa pag-promote sa naturang bayan.


Dapat isalpak nina Rendon at Rosmar sa kanilang mga kukute na wala pang social media, wala pang vloggers na tulad nila ay sikat na ang Coron sa Palawan, period!

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page