top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Palpak na Tourism slogan ng ‘Pinas, wa’ epek sa mga turista

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | July 11, 2023


Para sa mga stakeholder ng turismo sa bansa, “it’s a business as usual” at iginiit na ang kontrobersiya sa bagong branding campaign ng Department of Tourism (DOT) ay hindi nakaapekto sa interes ng mga travelers na pumunta sa Pilipinas.


Ayon kay Fe Abling-Yu, presidente ng Philippine Tour Operators’ Association (Philtoa), ang mga dayuhang turista ay patuloy na dumagsa sa bansa sa kabila ng fiasco sa kampanyang “Love the Philippines”, na nagdulot ng galit sa karamihan at naging international headline matapos malaman na ang promotional video ay gumamit ng stock footage ng mga tourist destination sa ibang bansa.


Bagama’t nakakatulong ang tourism slogan sa kanilang mga pagsusumikap para sa turismo ng bansa, iginiit naman ni Abling-Yu na ang Philtoa ay hindi gaanong nagtiwala sa bagong slogan.


Samantala, nang tanungin kung may mga travelers o grupo ng turista na umatras mula sa kanilang mga nakatakdang biyahe sa Pilipinas kasunod ng video, ayon kay Abling-Yu, wala.


Sa citing figures ng DOT, sinabi ni Abling-Yu na noong Mayo 2023, mayroon nang 2.38 milyong international arrivals sa bansa.


Hindi naman talaga mapagkakaila na talagang babalik-balikan ang ganda ng Pilipinas, ngunit hindi ito dahilan para pagtakpan ang kahihiyan na ibinigay ng DOT.


Huwag nila ito gawing rason upang hayaan na lamang ang kapalpakan ng ahensya porke marami pa ring turista ang bumibisita sa bansa.


At kung may malasakit ang DOT sa ating turismo, pakiusap lang na ibahin na lang ang ating slogan upang hindi na tayo maging katawa-tawa dahil talagang pinanindigan ng DOT ang kampanyang “Love the Philippines” kahit na pinagtatawanan na tayo ng buong mundo.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page