Palpak na desisyon ng mga opisyal sa gobyerno ang dahilan ng krisis, period!

ni Ka Ambo - @Bistado | February 12, 2021
Sorpresang nag-meeting sa Malacañang sina P-Digong at ang kanyang finance secretary na si Carlos Dominguez.
Bakit biglaan?
Big deal ba?
◘◘◘
Inilabas sa ulat ang kondisyon ng ekonomiya ang pinag-usapan.
Eh, bakit naman “sagsag” o hindi muna naiplano ang pag-uusap nang dalawa—dahil inilarawan sa media na “sorpresa” o wala sa iskedyul ang tsikahan ng dalawa?
◘◘◘
Naglalaro ngayon sa isip ng mamamayan na talagang na sa “serious condition” ang lagay ng ekonomiya.
Sintido-kumon lang naman talaga ay madaling matukoy na may krisis sa ekonomiya.
Maraming nakasaradong maliliit na negosyo sa buong Luzon at pinakamalala ay ang sitwasyon sa Metro Manila!
◘◘◘
Hindi naman ikinakaila na maraming malalaki ring negosyo ang isinarado at aminadong bangkarote—kasama na ang transportation business—airlines, shipping at land transport.
Gayundin ang turismo—resort, hotel at kaugnay na serbisyo tulad ng restobar at gamit sa biyahe.
Kakarampot ang pumupunta sa mga mall, simbahan, parke at palengke. Walang tao sa mga school campus at entertainment area!
◘◘◘
Maging ang mga oil industry at itiniklop ang oil refinery, gawaan ng mga sasakyan at marami pang iba.
Sintido-kumon din na ang simpleng solusyon at alisin ang lockdown pero pananatilihin ang protocol.
Ganun lang kasimple!
◘◘◘
Ang mga tinatamaan ng COVID ay may malaking porsiyento ng recovery—malinaw ang datos d’yan.
Kakarampot ang bilang ng severe cases at karaniwang ay may “aggravating disease” na hindi dapat isinisisi lang sa COVID dahil kahit mauntog o ma-stress lang ang mga ‘yan ay maaari ring ikamatay tulad ng stroke, diabetes o sakit sa puso!
◘◘◘
Wala pang two percent ang namatay na “dating malusog na biktima” na nagka-COVID pero ang mga ulat ng media at gobyerno—ay “wala raw gamot sa COVID”.
Nagkaroon ng krisis, hindi dahil sa COVID bagkus ay dahil sa lockdown at palpak na desisyon ng mga awtoridad.
Tama o mali?





Comments