Palakasin pa ang turismo para sa tuluyang pagbangon ng bansa
@Editorial | May 7, 2023
Sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19, umaasa tayo na hindi na mauulit ang lockdown.
Tiwala tayo na magtutuluy-tuloy ang hanapbuhay, negosyo at pagpasok ng marami pang oportunidad.
Una nang inihayag ng Department of Tourism (DOT) na ang turismo sa Pilipinas ay inaasahang ganap na makakabangon ngayong taon mula sa epekto ng pandemic.
Ito ay dahil na rin sa dumarami ang kanilang naitatalang mga turista na dumarating sa ating bansa.
Gayunman, maaaring tumagal hanggang 2024 bago ganap na makabangon ang international tourism.
Noong nakaraang taon, nakabuo ang Pilipinas ng P1.7 trilyon sa mga resibo ng bisita mula sa international at domestic na turista.
Marapat na mas tutukan ang pagpapalakas ng turismo. Kailangang masolusyunan ang mga kakulangan ng bansa.
Kasunod nito ang mas maigting na pagpapakilala sa Pilipinas na ayon sa DOT ay isang medical and wellness tourism destination sa buong Asia.
Hindi lamang mga turista ang ating hinihikayat kundi maging ang mamumuhunan na sila namang magbubukas ng trabaho sa mamamayan at kita sa gobyerno.



Comments