Palaging nasa mataas na lugar, pahiwatig na may parating na magandang career
- BULGAR
- Jul 25, 2020
- 2 min read
ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 25, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Meloton na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Madalas kong mapanaginipan na nasa mataas na lugar ako. Minsan, sa itaas ng bundok, minsan, hindi man sa bundok pero matataas ‘yung lupa na kinatatayuan ko at nakadipa ako.
Lately, nakaluwas kami sa Makati, pero hindi na kami bumaba sa sinasakyan namin, ‘yung driver lang ang umalis, tapos kinagabihan, ang panaginip ko ay ako ‘yung lumabas ng sasakyan at may pinuntahan akong opisina. Nang makarating ako, umakyat ako sa rooftop.
Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
Meloton
Sa iyo Meloton,
Masaya kong ibinabalita sa iyo na lahat ng taong nagtatagumpay at nagtagumpay na ay madalas nakapanaginip na sila ay nasa mataas na lugar. Tulad ng panaginip mo na nasa mataas na bundok o lupa ang kinakatayuan mo. Tulad mo rin mismo, madalas ay nasa rooftop din sila.
Hindi lang mga simpleng tao na may successful life ang nananaginip ng sila ay nasa mataas dahil ayon sa kasaysayan ni Hitler, siya rin ay nagsabing madalas na ang kanyang panaginip ay dinadala siya sa matataas na lugar. Kumbaga, ang mga dakilang tao ng ating kasaysayan ay may karaniwang napapanaginipan at ito ay nasa matataas na lugar sila.
Hindi naman ibig sabihin na hindi na sila nanaginip ng sila ay nasa ibaba. Nananaginip din sila ng ganu’n, pero ang madalas nilang panaginip ay nasa itaas sila.
Kapag nalulugi ang negosyo, ang negosyante ay nananaginip na nasa ibaba o siya ay pababa na parang nahuhulog.
May mga pagkakataon din na kapag humihina ang katawan ng tao, siya ay may panaginip na siya ay nasa mababa. Ganundin kapag sya ay mabibigo, magbabala ang kanyang panaginip na ang kanyang pupuntahan ay sa mga mababang kalagayan.
Binabati kita dahil ang iyong mga panaginip ay iisa lang ang tinutumbok at ito ay ang magkakaroon ka ng very successful career.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo
Nanaginip ako na umakyat ako sa mataas na lugar,sobrang takot ko dahil takot ako sa hights at pinatatalon ako ng diyos,sabi niya ai maniwala lng ako sknya at kakayanin ko,dun sa panaginip ko ay tumalon nga ako pero di ako namatay,yun lng naalala ko,pero pag gising ko ang sarap lng sa pakiramdam kc nakaya ko,kumbaga yung takot ko eh nawala,ano po kaya ibig sabihin ng panaginip ko sa hinaharap?april 7 1993 po ako at panaginip ko po yan ngayon may,15,2025
nanaganip aq n nasa mataas aq n luga isang gusali at ang hagdanan na babaan ko ay bakal ngunit hindi ako makababa samantalang sa panaginip q naalala ko nkababa na ko don ngplano din ako tumalon na lang pero mataas ito at hndi ko kaya kaya pinili ko na lang n humiga at pakalmahin ang sarili ko bago ako bumaba. hanggang s di na ako nakababa..
Ako naman NASA mataas n pinagpatong patong na upuan Yung wlang backrest, umakyat daw Ako at sobrang taas , tapos di ko dw alam pano ako bababa