top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Palaging magbaon ng dasal, pasensya at disiplina sa kalsada

  • BULGAR
  • Dec 23, 2022
  • 1 min read

@Editorial | December 23, 2022


Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal para makahabol sa pag-uwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Kapaskuhan.


Sa paliparan, aabot umano sa 125,000 pasahero ang naitala na nagtungo sa iba't ibang terminal. Inaasahan namang magiging maayos ang proseso ng mga biyahero, lalo na't inalis na ang initial screening sa NAIA Terminal 1, 2, 3, at 4.


Habang sa land travel, inaasahang dadami pa lalo ang mga biyahero hanggang bukas ng umaga.


Dagsa rin ang mga pasahero sa pantalan.


Sa tagal ng panahon na nararanasan natin ang ganitong sitwasyon, hindi lang tuwing Kapaskuhan kundi maging sa ibang pagdiriwang o kaganapan, sana ay kabisado na natin ang mga eksena. Alam na natin kung ano ang paghahandaan.


Palaging ipinapaalala na magbaon ng dasal, mahabang pasensya at disiplina.


Kung ang bawat pasahero at drayber ay responsable at ang mga sasakyan ay nasa kondisyon, tiyak na magiging smooth ang biyahe. Pare-parehong makararating sa destinasyon nang ligtas.


Kaya sa mga pasahero na feeling VIP at ayaw sumunod sa mga panuntunan, tipong ayaw pumila, ayaw ng masikip, ayaw ng trapik, eh mas mainam na manahimik na lang sa bahay.


Sa mga drayber naman na gusto pang kargado ng alak o droga bago bumiyahe, tigilan n'yo! Huwag kayong mandamay ng mga inosenteng tao, manahimik na lang din kayo sa bahay at tantanan ang masamang bisyo.


Grabe na ang idinulot ng pandemya, bigyan naman natin ng pagkakataon ang ating sarili at pamilya na makapagdiwang ng mas masayang Kapaskuhan.


Ihatid natin ang isa't isa sa kani-kanyang pamilya nang ligtas at masaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page