top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Palad ng seaman balik-‘Pinas dahil sa pandemya, baon na sa utang at ubos pa ang ipon

  • BULGAR
  • Jun 28, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 28, 2021





KATANUNGAN

  1. Dati akong seaman pero dahil sa pandemic ay napauwi kami. Ngunit ngayon, may aplikasyon ako sa barko sa ibang agency naman. Matagal din akong nabakante kaya naubos ang ipon ko. Gusto kong malaman kung makakaalis ba ulit ako?

  2. Bukod sa naubos na ang mga ipon ko dahil talagang mahirap ang buhay, puro galing sa utang ang ipinanggagastos ko para makapagsimulang muli. Sa palagay mo, may pag-asa pa bang maka-recover ang kabuhayan namin ng misis ko at makaalis na ako sa taong ito? ‘Yung mga kasamahan ko kasi ay nakaalis na.

KASAGUTAN

  1. Kusang huminto at tila hindi na magpapatuloy ang matayog na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) na tinatawag din nating Career Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Subalit ang nakatutuwa, matapos huminto ang Fate Line (arrow a.), muling sumulpot ang malinaw at makapal ulit na Fate Line (F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ito ay tanda na tulad ng nasabi na, matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya, tiyak ang magaganap na muling mabubuhay at uunlad ang career mo. Madali itong pinatunayan ng malinaw at malawak na ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa ikalawang pagkakataon, mas papalarin at magiging masagana ang nasabing pag-a-abroad.

  3. Ang pag-aanalisang tuluyang makaka-recover sa nakaraang pangit na kapalaran ay madali ring kinumpirma ng gumanda at naayos na lagda sa gitna hanggang sa dulong bahagi. Tanda na sa edad mong 36 pataas na magsisimula ngayon, tulad ng naipaliwanag na, kumbaga sa halaman na naputulan ng sanga, panibago at mas maraming usbong ng tagumpay ang tuluy-tuloy nang tutubo at lalago.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tunay ngang ang kahalagahan ng pag-iipon ng salapi at iba pang pundar na materyal na bagay ay lalong naa-appreciate ang value o kapakinabangan sa panahong dumarating ang pagsubok na pinansiyal o kagipitan. Subalit kailangan pa bang hintayin ang financial crisis upang matuto o mag-isip na mag-ipon? Hindi na! Dapat palaging nasa isip at ginagawa natin ang pag-iipon.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Randy, kung bumagsak ang iyong kabuhayan dahil biglang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at nabaon pa sa mga pagkakautag, tiyak ang magaganap ngayong 2021. Muli kang makakasampa sa barko at sa ikalawang pangingibang-bansang ito, sa buwan ng Setyembre o Oktubre, higit na magiging maunlad at masagana ang naturang pag-a-abroad. Gayundin, ito ang magiging simula upang makabayad ka ng mga utang patungo sa tuloy-tuloy na pag-asenso at pag-unlad, upang minsan pa, tuluyan na ring maging maalwan ang kabuhayan ng inyong pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page