Search
  • BULGAR

Palad ng misis na may chance makapag-asawa ulit dahil compatible sa bagong guy

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| March 03, 2021





KATANUNGAN

  1. Hiwalay na kami ng mister ko nang mahigit tatlong taon at may kinakasama na siya ngayon na ibang babae. Ang pagkakaalam ko, halos dalawang taon na silang nagsasama ng babae niya at may anak na sila. Apat ang naging anak namin, nasa kanya ‘yung dalawa at nasa pangangalaga ko naman ‘yung dalawa pa.

  2. Sa ngayon, may boyfriend ako at niyayaya na niya akong magsama at ito ang dahilan kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Gusto kong malaman kung tama ba ang pasya ko na makisama na sa boyfriend kong isinilang noong May 2, 1979? September 16, 1978 naman ang birthday ko, gayundin, compatible ba kami at kung kami ang magsasama, magiging maunlad at maligaya ba ang bubuuin naming pamilya?

KASAGUTAN

  1. Bagama’t kapansin-pansing dalawa ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, sadya namang biyak at maikli ang una (arrow a.), habang mahaba na makapal naman ang ikalawa (arrow b.).

  2. Ibig sabihin, kung minalas o hindi ka sinuwerte sa unang pag-aasawa dahil naghiwalay lang kayo, tiyak namang sa ikalawang pag-aasawa, susuwertehin at papalarin ka na. Ang pag-aanalisang may ikalawang mas masaya at okey sa alright na pag-aasawa ay madali namang kinumpirma ng nabiyak at nagkabilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa una hanggang gitnang bahagi, pero gumanda, naging maayos at luminaw na ang gitna hanggang sa dulong bahagi ng nasabing Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ito ay tanda na tulad ng nasabi na, higit na magiging matagumpay at maligaya ang papasuking ikalawang pag-aasawa kung ikukumpara sa una. Ibig sabihin, walang pagdadalawang-isip at pagdududa na puwede mo nang tanggapin ang alok ng kasalukuyan mong boyfriend na magsama dahil bukod sa compatible ang zodiac sign mong Virgo sa zodiac sign niyang Taurus, sadya namang napaka-positibo at maganda ang ipinapangako ng mga tanda o guhit sa kaliwa at kanan mong palad.


DAPAT GAWIN


Virgo Girl, ayon sa iyong mga datos, kung naging malungkot ang karanasan mo sa langaran ng pag-ibig sa unang pag-aasawa, umasa kang sa ikalawang pag-aasawa o pakikisama sa ikalawang lalaking iyong mamahalin, sa piling ng nasabing lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus na kasalukuyan mo na ngang boyfriend, tiyak ang magaganap dahil may pangako na ng isang maligaya at panghabambuhay na ligaya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.