Palad ng misis na magkaka-beybi sa 2022
- BULGAR

- Jan 12, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| January 12, 2021

KATANUNGAN
Bago pa lang ako sumusubaybay ng inyong mga kolum, pero nagustuhan ko na ang inyong mga artikulo. Three years na kasi kaming kasal ng mister ko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkaka-baby.
Gusto ko lang magtanong tungkol sa aking palad, kung nakikita rin ba rito kung ang mag-asawa ay magkaka-anak pa at kailan?
Sa tingin mo, magkaka-anak pa ba kami at kung magkaka-anak pa kami, lalaki ba o babae ang magiging first baby namin?
KASAGUTAN
Medyo mahirap makita sa guhit ng palad ang tinatawag na Children Line (Drawing A. at B. 1-C, at 2-C) dahil ito ay maliliit na hibla lamang ng mga guhit. Gayunman, may dalawang tinitingnan sa guhit ng palad hinggil sa guhit ng anak.
Una, ang pataas na guhit sa ilalim ng daliring hinliliit na makikita sa ibabaw ng Marriage Line (1-M arrow b.), at ang ikalawang tinitingnan ay ang Guhit ng mga Supling ay ‘yung mga guhit na pahalang sa gilid ng palad (1-C, at 2-C). Sa kaso mo, dalawang malulusog na Children Lines (Drawing A. at B. 1-C at 2-C, arrow a. at b.) ang nakikita sa dalawang tinginan o lalagyan ng Children Line na nabanggit sa kaliwa at kanan mong palad.
Ibig sabihin, dalawa ang magiging baby n’yo ng iyong mister sa malapit na hinaharap. Lalaki ang una dahil makapal at mas mahaba ang nasabing Guhit ng Supling (1-C arrow a.), habang posibleng babae ang ikalawa dahil medyo manipis at maikli ang nasabing ikalawang Guhit ng Supling (2-C arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ang pag-aanalisang magkaka-baby na kayo sa malapit na hinaharap ay madali namang kinumpirma ng lagda mong nagkaroon ng “phallic symbol” sa dulong bahagi. Ang phallic symbol na ito ay ang tila kudlit sa loob ng letrang “o” kung saan ang simbolong ‘yan, kung sa terminong Psychology ang pag-uusapan, ‘yan din ang “penis” o kasarian ng isang lalaki.
Kaya mahihinuha o maipapalagay na ngayon pa lang ay nasagap na ng unconscious mong isipan o pagkatao na ang mabubuong baby sa iyong sinapupunan ay isang malusog at matalinong lalaking sanggol, na susundan naman ng isa pang malusog din at cute na babaeng sanggol.
DAPAT GAWIN
Carol, ayon sa iyong mga datos na kinumpirma ng Children Calendar n’yong mag-asawa, humigit-kumulang sa last quarter ng taon ding ito, magkakaroon na ng sanggol sa iyong sinapupunan, mabubuntis ka at makalipas ang siyam na buwan, isisilang ang isang malusog na lalaking sanggol na kukumpleto at magbibigay ng dagdag na galak sa inyong mag-asawa, na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2022, sa edad mong 34 pataas.




Comments